NAKABALIK ng Maynila ang buong hanay ng mga pardus force. At isang mainit na pagsalubong ng ginagawa ng mga opisyales, kasundaluhan at mga estudyante sa loob ang military academy. Malakas na ugong ng mga trumpeta, cymbals, at drum ang nag-iingay sa malawak na field. "Victory… Victory… Victory!" mga sigaw ng mga estudyante, na ang bawat isa ay naghagis ng iba't ibang kulay ng petals ng mga bulaklak. Bawat isa na bumaba bula sa helicopter na pandigma ay ay sinuutan ito ng garland at meron ding plaque na inabot at may kasamang envelope na kulay puti. Masayang-masaya si CGPA. Sirocco nang makita ang mga tauhan na nakauwi ang mga ito na buhay, maliban lang sa dalawang nasawi. Nang bumaba si Kumander Allhe ay isang mahigpit na yakap ang iginawad ng ama niya ni Doktora Sheann. "Anak, kumu