NAINTINDIHAN ni Koronel Jacob ang hinagpis na nararamdaman ng asawa niya kaya hindi na siya muling nagtanong, bagkus marahan niya itong niyakap at hinagod-hagod ang kanyang likod. Habang si Captain Jase na nakina pa nakatingin ay biglang yumuko at ipinikit ang mga mata nito. Dahil tila tinutusok ng karayom ang dibdib niya. Alam naman niya na may asawa't anak na siya, subalit hindi pa rin nawawala ang feelings niya para sa asawa ng kanyang kapatid. Sapagkat ito ang unang babae na tinitibok ng puso niya. "Kung puwede pa lang sanang ibalik ang oras at panahon, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa iyo, Allhe…" piping wika ni Captain Jase sa sarili niya. Samantalang kakaibang kirot naman ang nararamdaman ni Francky nang makita niya ang mag-asawa na nagyayakapan sa harapan nilang lahat. Napan