bc

WANTED: PART TIME MOTHER

book_age16+
10.2K
FOLLOW
119.0K
READ
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkakataon ay dumarating ng hindi natin inaasahan. Maging ang pag-ibig, hindi mo man hanapin ay kusang dumarating, parang pagkakataon lang din.

Tunghayan ang masaya at masalimuot na buhay pag-ibig ni Belle, isang under-employed teacher. Dahil hindi palaring pumasa ng board exam, pinasok ang trabahong ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ma kahit one week na lang please. I'll do something. I'm gonna find someone to look for the kids." si Clifford habang nakikiusap sa mama niya. "sam ting sam ting,wala ka namang ginagawa.   Pangitaa na lang ang usa ka ka yaya nga mag-una niini aron pag atiman sa imong mga anak. "sagot ng kanyang mama na si Lucia. "Ma, marami akong pwede makuhang yaya but i want someone that will treat them as her real sons the way their passed mom did."sagot ni Clifford "Nganong dili ka mohunong sa pag modelo ug pag-amping ra sa among resort didto. Maalagaan ko pa mga anak mo duon."sagot ng kanyang ina "Ma, ang laki ng bayad sa 'kin sa pagmomodel dito, saka may plano din ang company namin na maglagay ng office dun sa Cebu at ako ang gagawin nilang branch manager,maybe then i stop on my modelling career, but for the meantime Ma... please." Isang sales consultant manager si Clifford sa isang networking company ng mga food supplements at isa ding part time fashion model. Anim na buwan na ang nakakaraan ng namatay ang asawa niyang model din na gaya niya na si Steph, sa sakit na anorexia. Problema ni Clifford ang mag aalaga sa kanyang mga anak kaya't pinakiusapan niya muna na pumirmi pansamantala sa kanya ang kanyang Mama simula ng namatay ang asawa niya. Maraming nirerekomenda sa kanya ang mga kakilala,kaibigan at kasamahan niya sa trabaho na tagapag alaga ng anak niya o yaya, pero hindi basta yaya ang hanap ni Clifford. Ang gusto niya ay kagaya ng mga ginagawa ni Steph sa mga anak nila...pinapakain, pinapaliguan, binabasahan ng story books, sinasamahan sa school at kakausapin ang mga bata ng english. "Kinahanglan nakamata ko sa Cebu ug wala ang imong igsoon. Malapit ng mag summer. Tiyak na maraming customer hindi kaya ng kapatid mo dun. Kokonti tauhan natin." pagmamatigas ng Mama niya "Ma,please don't talk to me in Bisaya, hindi ko maintindihan lahat eh." si Clifford "Oy klipord, wag mu din ako ma inglis inglis at lalong sumasakit ulo ko. Paran kayong ang ama mo. Pag uwe ko ng Cebu.. si Dweyn (Dwayne) ganyan din." Dutch ang Tatay ni Clifford, nagbakasyon lang ito sa Pilipinas ng nakilala ang Mama niya na si Lucia na isang saleslady nuon aa isang department store. Tubong  Cebu naman ang Mama niya. Nagkagustuhan ang dalawa at pinakasalan ng Daddy niya ang Mama niya sa Manila kasabay ng pag apply nito ng citizenship sa Pilipinas. May edad na ang Daddy ni Clifford ng napangasawa ng Mama niya na nuon ay twenty three pa lang. Dahil nakuha ng Daddy niya ang retirement benefits niya sa bansa nitong Netherlands,nakabili sila ng bahay at lote sa isang subdivision at nagtayo ng furniture shop business. Nasa high school na sila Clifford at Dwayne ng namatay ang lola nila sa Cebu. Nang makita ng Daddy nila ang ganda ng Cebu,nagdesisyon ito na duon na manirahan. Ipinagbili nila ang kanilang bahay at business at bumili ang Daddy niya ng lote malapit sa dagat at ginawa itong resort. Dun na din sa Cebu namatay ang Daddy niya dahil  sa heart attack. Dahil sa tangkad at angking kapogian ni Clifford,ay madalas siyang nasasali sa mga male pageants. Nang sumali siya ng Mr. University of Cebu at nanalo,na discover siya ng isang talent agency at duon nagsimula ang kanyang pag mo model kaya't napilitan siyang bumalik ng Manila na sinabayan din niya ng pag aapply sa tinapos niyang kursong marketing. "Sir,eto na po meryenda nyo. Mam eto na din po yung kape nyo." si Mang Lucing "Oh Ma, just like that. You don't have to worry with the foods and house chores, andyan si Manang Lucing. Masarap naman mga luto niya...Manang anong snack ng mga bata?” "Sir donut po, yung dala nyo po kagabi." sagot ni Manang Lucing. "Ah okey thank you manang."sagot ni Clifford sa singkwenta anyos na kasambahay "Nagsasawa na din ako klipord. Saka hindi siya marunong mag gata. Minsang pinag gata ko buo buo. Basta,pag naisipan ko bigla na lang ako aalis." sabi ng mama ni Clifford at sinabayan ito ng talikod Napailing na lang si Clifford pagtalikod ng Mama niya. Nararamdaman niyang matigas ang pananalita nito at desidido talaga ito sa sinabi. Kailangang gumawa na siya ng paraan, kahit yaya ay kukuha muna siya para may tumingin kina Fritz na limang taong gulang at Pieter na tatlong taong gulang. "Oh i'm late!"sabi sa sarili ni Clifford. May appointment siya sa isang dealer nila at may usapan silang magkikita sa isang mall. "Ma...aalis muna. ko"sigaw ni Clifford sa mama niya na hindi niya alam kung nasaang bahagi ng bahay nila. "Manang aalis muna po ako. Please pakitingnan po yung mga bata. Baka hindi mapansin ni Mama." sabi ni Clifford sa kasambahay habang nagliligpit ito. Simple lang ang ipinagawang bahay ni Clifford sa isang subdivision sa Pasig. Bungalow style na may dalawang kwarto at may terrace sa harapan. May garahe siya na kasya lang ang isang sasakyan. Sa pagitan ng kalsada at ng kanilang bahay ay may fence at kapirasong space na natatamnan ng bermuda grass at may garden table na nakalagay dito. "Kids Daddy is going out. I'll see you later. Fritz,  don't fight with your little brother. Lagot ka sa 'kin."paalam ni Clifford sa mga anak "Yes po Daddy." sagot naman ni Fritz "That's my boy. Come here Pieter. Give Daddy a kiss." "Bye."paalam ulit ni Clifford sa mga bata. Dahil sa narinig na paalis na ang anak, hindi rin natiis ni Lucia at muli siyang bumalik sa sala para tingnan ang mga bata. Samantala... "Belle, belle.. tignan mo. Lumabas na pala ang result ng LET (Licensure Examination for Teachers). Dali tingnan natin baka pumasa ka na." sabi ni Apol sa kaibigan habang sila ay namamasyal sa mall. Nakita niya kasi na isang friend niya sa facebook ang nag post na nakapasa. Pangalawang kuha na ni Belle ng board exam. Hindi siya pinalad nung una, kaya't nagbaka sakali siya ulit. "Ah sige. Bilis. Tingnan natin. Doralba, Ma. Bellisima ha." "Pangit naman ng pangalan mo.haha."panunudyo ni Apol "Gandang ganda ka sa pangalan mong Apolonia Kalawi ganun. Marinig pa lang parang may hawak na itak at manunugod na. echusera to." ismid na pabiro ni Belle sa kaibigan "Huwag ka na maingay eto na..letter D na." "Dalisay, Romina... De leon, Alberta... De silva, Gianna... Dominguez, Cecilia... Doroteo, Segundina... Eusebio, Ernesto... Naku... Letter E na.. mukhang ligwak ka na naman ateng." si Apol "Patingin nga. Jusku lord naman." sabay hablot ng phone ni Belle kay Apol Muling tiningnan ni Belle lahat ng apelyido na nagsisimula sa letter D pero wala talaga ang pangalan niya. "Apol...apol..."si Belle "Oh bakit?" tanong naman ni Apol "Hihimatayin yata ako. I want to die.. I want to kill myself..oh no.." si Belle "Itulak kaya kita ng sumirko ka dito sa escalator ng matuluyan ka." si Apol habang papanhik sola ng second floor ng mall "Nakakahiya na kasi Apol.. dami pa namang nakakaalam na kumuha ulit ako ngayon. Ano sasabihin ko? Magkukunwari ako, "ay hindi ako nag-take busy kasi ko ngayon"  o kaya "ay lumabas na ba result? hindi ako aware coz i have a job already,baka next time na ko kumuha".. ano, ganun ang script ko?" si Belle na nakasimangot. Sa unang tingin,hindi mo mapagkakamalang teacher si Belle sa mga kilos nito. Malakas ang boses kung magsalita na parang tindera sa palengke, kikay kung kumilos, pero nag ta transform ito,kapag nasa eskwelahan at kaharap ang mga estudyante. Minsan na siyang nagturo sa isang private school,pero dahil sa liit ng sweldo at layo nito ay napilitan siyang mag resign pagkatapos ng isang taong kontrata. "Eh ano gusto mong gawin ko. Magtatalon ako sa tuwa kasi hindi ako pumasa." pabirong pagtataray ni Belle "Mag call center ka muna kasi malaki naman ang sahod dun." sabi ni Apol "Nang aasar ka ba Apolonia. Alam mo namang bobonika ako sa english tapos papasukin mo ko ng call center. kaya nga AB  Filipino kinuha ko at hate na hate ko yang inglis inglis na yan. Buti nga grumadweyt ako eh." sabi ni Belle sa kaibigan "Masasanay ka din kapag andun ka na."si Apol "Paano sa interview. Ano sasabihin ko? Pardon...pardon.. Can you please repeat the question? Ganun? Ikaw kaya try mo." "Hmmp.. Ayoko pa magtrabaho noh. Kakaresign ko lang trabaho agad." sagot ni Apol na dating cashier sa isang supermarket "Eh bunso ka naman kasi kaya kahit hindi ka mag work nagkaka anju ka sa mga kuya mo,eh akes, waaaa. Minsan ako pa gumagastos pag nagmomotmot kami ng jowa ko."sabi ni Belle "Hahaha. Talaga. De sana wag na lang kayo sa motmot." natatawang sagot ni Apol "Eh saan? Tutuwad na lang ako kahit saan kapag nagyaya ang jowa? Teacher ako Apolonia. Sabagay,wala pa silang lisensyang tatanggalin sa 'kin. Ayan na namaaan." "Ang alin?" "Naalala ko na naman ang lisensya. Naku deny to death talaga ko na hindi ako kumuha ng LET. Uy Apol makisama ka ha. Baka may magtanong sa yo sabihin mo hindi ako kumuha ngayon." "Sige. hmp. Gagawin pa kong sinungaling nito." "Ade ipagkalat mo. Ngayon pa lang sige. Akina yang phone mo ipopost ko. Kaibigan ko bagsak sa board exam.kawawa naman. hashtag take two." "Lukring... tara magpaka alta tayo kahit minsan lang. Libre kita."sabi ni Apol "Ay chuchalan... Starbucks.. baka dinidiliryo ka ng lagnat ha?" si Belle na dinama pa ng palad ang leeg ni Apol "Puta ka... kape lang ha. Wag ka oorder ng cake o cookies. kapeng kape lang kesa lakad tayo ng lakad." sagot naman ni Apol "Push." si Belle Pagpasok ng starbucks ay luminga linga ang dalawa para maghanap ng mapepwestuhan. "Ayon,dun tayo... sa tabi nung epek na lalaki. Mukhang tayo hinihintay.. mag isa lang eh."turo ni Belle kay Apol "Okey sige. Wag ka na sumama sa counter baka magturo ka pa. Espresso Macchiato lang tayo parehas. Tatlong oras nating inumin." bulong ni Apol kay Belle "Keri na yun."sagot naman ni  Belle "Talagang keri na kesa magtuhog tayo ng kwek kwek at uminum ng samalamig dun sa labas. Sige na at baka may mauna pang umupo sa tabi ni Papa."sabi ni Apol Nagpa demure si Belle ng malapit na sa table ng gwapong lalaki,sumulyap muna siya dito at  hinawi pa niya ang buhok niyang nalaglag ng paupo na siya at ikinawit sa kanyang tenga. Sa tingin ni Belle ay may hinihintay ang lalaki dahil panay ang tingin nito sa cellphone at sa relo nito. Napansin din niyang panay ang tingin nito sa labas pero ni minsan ay hindi ito nasulyap sa kanya na halos katabing katabi na nya.Pasimple niyang kinuha ang kanyang phone,binuksan ang camera at aktong mag seselfie na kasama ang lalaking gwapo sa tabi niya. Sasamantalahin niya habang hindi ito nakatingin at hindi naman talaga tumitingin ito. Nang nakakuha na siya ng magandang anggulo at pipindutin na niya ang camera ay nakita niya sa screen ng phone niya na nakatingin ang lalaki at nakangiti ito. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Sa gulat niya ay tinanggal niya sa ganoong posisyon at nagkunwari na lang siya na nagsasalamin sa camera ng phone niya. "Maganda ka na."si Apol ng papunta na sa uupuan nito. "Para kasing gusto ko ng magpagupit eh." sadyang pinarinig ni Belle ang sinasabi sa katabing lalaki "Huy nagpagupit ka lang kahapon."pambabara naman ni Apol "Ay kahapon lang ba yun. Akala ko matagal na."sagot naman ni Belle na nagmaang maangan "Pero alam mo Apol,kailangan ko na talaga magktrabaho. Alam mo namang poorita lang kami. Panganay pa ko."nagseryoso ng mukha si Belle "Mag apply ka muna ulit sa private school. Magtiyaga ka muna. No choice ka naman." sagot ni Apol Lingid sa kanila ay nakikinig sa kanilang usapan ang katabing lalaki "Madali ka namang mapapasok sa private school at magaling kang mag handle ng mga bata,napapasunod mo. Di ba nga ayaw kang pawalan nung huling school na pinasukan mo."dugtong ni Apol "Kaso nga ang layo. Okey lang yung sahod eh kaso ubos naman sa pamasahe saka sa pagkain." nakasimangot na sagot ni Belle "Ehem..  excuse me." Nagkatinginan si Belle at Apol ng marinig nilang nagsalita ang lalaki. At sigurado sila na sila ang planong kausapin nito. Ikinipot ng kauntin ni Belle ang bibig niya samantalang itiniklop pa ni Apol ang mga balikat niya na parang pinaliliit pa ang balingkinitan niyang katawan. "Yesh.?"si Belle ang unang sumagot "Sorry to interfere but i heard that you are seeking for a job?" sabi ng lalaki na pati ang boses nito ay gwapo din dahil sa buong buo ito "Yes. My friend ,Belle is..is... Belle ikaw na nga."sabi ni Apol "Yes sir. I'm a graduate of Bachelor of Arts in Secondary Education Major in Filipino." sabi naman ni Belle "Ah by the way,let me first introduce myself, i'm Clifford Barkman."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.6K
bc

The Professor's Wife

read
450.9K
bc

My Son's Father

read
583.5K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.7K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
198.2K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook