Chapter 2

1870 Words
"Naabala ko ba kayo?"tanong ni Clifford sa magkaibigan "Ako hindi,ewan ko lang dito sa friend ko." sagot ni Belle "Ay hinihintay ko na nga yung sasabihin mo Mr. Clifford? sabad naman ni Apol "May hinihintay kasi ko eh parang narinig ko may naghahanap ng work sa inyo. I have something to offer. Can i join your table? sabi ni Clifford na nakaramdam ng ngawit sa pagkakapihit ng katawan "Ah sure dito o maluwag."sagot agad ni Belle habang umuusog para bigyan ng espasyo si Clifford sa tabi niya "Maluwag ka naman talaga."ismid na bulong ni Apol "Apol ano yun?"tanong ni Belle "Wala. Sige po sir diyan po kayo." sabi ni Apol "Sir baka naman po scam yan ha o mag aalok ng product."bungad agad ni Belle sa nakaharap ng si Clifford "No. Since i knew that you are a teacher, baka sakaling magustuhan mo yung offer ko."sabi ni Clifford "Ano po ba yun sir?" si Belle "Okey, i have 2 kids and i want someone to take care of them and teach them as well...". Nagsasalita pa si Clifford ng sumingit si Apol "Ah yaya. You look for yaya sir?"si Apol "Not just an ordinary nanny coz i could easily get one if that's what i'm looking for. Kaya ako nagka interes na kausapin ka, kasi you're a teacher."patuloy ni Clifford na nakaharap kay Belle "Ah yaya na..tutor pa."sabad ulit ni Apol. Nanatiling nakikinig si Belle. "Hindi lang yun. Someone who's gonna feed them and read them bedtime stories when they are about to sleep."patuloy ni Clifford "Ayun. Yaya na, tutor na, nanay pa."sabad ulit ni Apol "Exactly. So stay-in ang magiging work mo kung magugustuhan mo. If there's an acitivity in the school, because they are both going to school, you'll be the one who's going to attend ." dugtong ni Clifford "Ay taray nadagdagan pa. Yaya na, tutor na, nanay na, guardian pa."sabad na naman ni Apol "Apolonia tumigil ka muna."singit ni Belle ng tiningnan ng pairap si Apol. "Eh sir,nasan po yung mother po nung mga anak nyo? tanong naman ni Belle "She passed away six months ago. She died of Anorexia Nervosa."malungkot na sabi ni Clifford "Ay sorry sir. Kakalungkot naman. Usung uso talaga yang sakit na yan noh. Di ba ganyan din kinamatay ni Isabel Granada?"singit ulit ni Apol "Tanga, Aneurism yun. Hindi mo ba narinig Nervosa. Nerbiyos. Nakakamatay pala yung nerbiyos talaga." sabi naman ni Belle "Never mind."Nailing na lang si Clifford. "Then you will be paid twenty thousand a month and one day off every week,probably Monday. Yun kasi ang wala akong raket sa modelling and request ko sa company namin yun. And kailangan ko na talaga very urgent."may pagsusumamo sa mukha ni Clifford "Ano Belle? Gusto mo ba?" si Apol. "Pwede po ba sir na pag isipan ko muna?"tanong ni Belle "How long should i wait?"tanong ni Clifford "Okey na po. Napag isipan ko na po."sagot ni Belle "Bilis pala. So what's your decision Ms.... what's your name again?" si Clifford "Maria Bellisima  Doralba. Belle for short sir." "Ah ako naman si Apol."sabay abot ng kamay ni Apol "Hintayin mo munang tanungin ka."pabulong na sabi ni Belle kay Apol "Higupin mo na lang yang kape mo."dugtong pa niya "Ah okey so you are Belle..and Apol right?"si Clifford habang nakikipagkamay sa dalawa "Yes sir."si Apol ang sumagot "So Belle.."si Clifford na naghihintay ng sagot "Ah wait lang po pala sir. Ah.. saan po ba house nyo sir?" tanong ni Belle "Sa may Pasig lang."si Clifford "Kelan po mag start kung sakali pong pumayag ako?" si Belle "As soon as possible." si Clifford "Pumayag ka na Belle."singit ni Apol "Ano po ba mga condition sir? I mean bukod po sa day off,pwede po ba kong tumanggap ng bisita halimbawa po eto si Apol friend ko naman to." tanong ni Belle Gusto na ni Belle ang trabaho pero nagdadalawang isip pa siya. Gusto niyang alaming mabuti ang mga kondisyon ni Clifford. "Look Belle,it's normal to have visitors. Pero kahit naman hindi tayo nag wowork alam natin ang oras ng trabaho natin at alam natin ang free time natin. One thing more, wag ka mag alala sa gawaing bahay saka sa pagluluto dahil may kasambahay ako si Manang  Lucing. So kung tatanggap ka man ng bisita, yung wala kang ginagawa and of course dapat kilala ko." paliwanag ni Clifford "Ayun naman pala eh. Pumayag ka na. Sayang twenty kwit." si Apol "Your food is free. You can watch television when the kids are sleeping or in school, you can get your salary weekly or monthly or depends on our agreement. You have your own room but for this week, i'm gonna provide you an extra bed coz my mom is still there using the other room but she's about to leave after a week. Si mama magsasabi sa yo ng schedules ng mga bata saka yung mga gusto at ayaw nila. I will give you one month advance once you agree. What else you want to know?"dire diretsong sabi ni Clifford Naisip na ni Belle na malaki na din ang twenty thousand kumpara sa private school na eight thousand ang starting at mamamasahe pa siya at pagkain pa niya. Hindi man siya pumasa sa board exam,may instant trabaho siya. May advance salary pa na pwede niyang iwan sa pamilya niya. "Pero hindi lahat noh. Hello." sabi niya sa sarili. At higit sa lahat pogi ang amo niya na para siya laging nakakakita ng artista araw araw. "S-sige po sir. Payag na po ako."sagot ni Belle "Wow. Thank you Belle. So pwede ka ng mag drop by tomorrow sa bahay para naman makilala mo sila Mama, Manang Lucing at yung mga bata. Pasensya na ha kung nagmamadali akong magsalita coz anytime  now ay darating na yung kausap ko."si Clifford "So here is my number, call me pag on the way ka na ha."dugtong pa niya "-S-sige po sir. What time po?"tanong ni Belle "Mas okey sa morning. Habang andun pa ko sa house 8am."sagot ni Clifford "Okey po sir."si Belle "One last thing, Belle, i want you to speak in English most of the time when you talk with the kids." si Clifford "Patay na po." bulong ni Apol "Ah.eh sir hindi po ba sanay mag tagalog ang mga anak nyo?"napamaang na tanong ni Belle "They understand tagalog,they speak tagalog pero sa school kasi nila mostly english ang gamit pero ayaw ko naman na hindi sila marunong mag tagalog. Okey?"sabi ni Clifford na napangiti na. Pakiramdam niya ay solve na ang problema niya. ""O-okey po sir... Sige po."sagot ni Belle "Oh.. eto na pala yung kausap ko. So Belle, i expect you tomorrow morning." si Clifford ng makita sa labas na padating na ang hinihintay niya "Apol tara na. Sa labas na natin ubusin yung kape natin."bulong ni Belle kay Apol habang nakatingin at nakangiti si Clifford sa padating "Ah sige po sir. Mauna na po kami. Nice meeting you po." paalam ni Belle "Bye shir." malanding paalam naman ni Apol Halos isinabay nila Apol at Belle ang pagtayo nila sa hinihintay ni Clifford. Ilang hakbang pa lang ang inilalayo nila sa pinanggalingan... "Ang swerte mo naman Maria Bellisima. Akalain mo yun may trabaho ka agad, at jusku ang amo mo.... parang lumuwag yata yung garter ng panty ko kanina." sabi ni Apol na mas mukha pang excited sa kaibigan. "Hay naku,ang suma tutal nun eh yaya pa din ang bagsak ko. Kaso bakit naman kailangan pang inglisin yung mga bata." si Belle "Tonta ka talaga. De kapag wala ang amo mo tagalugin mo, kapag nakaharap lang siya saka ka mag inglis inglisan." sabi ni Apol na bahagyang binatukan ang kaibigan "Ay ang bright mo talaga Apolonia. As in bright like a diamond in the sky na may kasamang scotch brite." si Belle "Kitam. Basta libre mo agad ako ha pagkakuha mo ng downpayment. Babayaran mo yang kape na yan. Kundi dahil sakin wala kang work." si Apol "Napaka sumbatera mo talaga. Oo sige. Gusto mo maligo ka pa ng kape." sagot naman ni Belle "Masama pa yata loob mo. Sige wag na lang. Kakahiya naman sayo."pabirong tampo ni Apol "Kapag siguro nabanlian kita ng bagong kulong kape titigil ka diyan sa pag iinarte mo."sagot naman ni Belle "Hahaha. Pero no joke, ang gwapo ni sir noh."si Apol ulit "Korek. Alam mo yang ganyang tipo ng lalaki yung kahit mamatay na ko sa higpit ng yakap niya. Aah aah...yung tipong dudurugin niya ang katawan ko sa mga bisig niya. ooh ooh.."si Belle na pumipikit pikit pa habang sinasabi yun "Ambi."tawag ni Apol "Ha? Sinong Ambi?"linga naman ni Belle na nag akalang may tinawag si Apol "Ikaw yun. Ambi.. Ambisyosa. Kinuha ka lang yaya, yakap agad ang inimagine mo."si Apol "Gusto mo kasi ikaw lagi bida. Pag ikaw diyan hindi kita binabara. hmp. Ay teka bessy Apol, uwe na tayo para mabalita ko samin. Saka baka mag ayos na din ako ng mga gamit. Baka any monument eh pagsimulain na ko ni Machete." turan ni Belle na may landi sa dulo ng pagsasalita "O sya.Sige uwe na din ako.Text text na lang. Mwaaah." paalam ni Apol sabay beso sa kaibigan Maliit lang ang bahay nila  Belle sa Muñoz Quezon City at dikit dikit ang mga kabahayan.Maliit lang ang sala nila diretso agad sa kusina. May dalawang maliit na kwarto sa itaas para sa Nanay at Tatay niya,at para sa kanya at sa kapatid niyang bunso na si Alona ang isang kwarto. Sa sala naman natutulog ang dalawang lalaki niyang kapatid na sina Pancho at Bruno. Barker ng mga jeep at bus ang tatay niya at may maliit na carinderia naman ang Nanay niya sa harap ng bahay nila na halos nasasakop na nila ang kalahati ng kalsada kapag maraming customer na kumakain. "Nay..nay... "malayo layo pa sa kanila ay panay na tawag ni Belle "Oh alam ko na. Makasigaw ka, pwede ka ng pumalit sa Tatay mo dun sa pagtawag ng mga pasahero. Ano sasabihin mo? Na lumabas na result ng board exam? Na bagsak ka na naman?"salubong na sagot sa kanya ng Nanay niya "Si Nanay naman parang hindi nanay. May makarinig sayo baka akala totoo."sagot naman ni Belle "Mali ba ate yung na search namin. Wala kasi pangalan mo dun eh." singit ni Pancho na sumunod sa kanya bilang panganay "Hoy Panchito,isa ka pa diyan. Punta ka dun sa gitna na ng kalsada,walang nakakarinig sayo diyan.Duon ka humawak ka pa ng microphone." inis na sagot ni Belle sa kapatid "Hoy hoy makinig kayo ha, Panchito, Brunaldo, Alona Magdalena, may trabaho na ang ate nyo." humalukipkip pa si Belle sabay taas ng kilay pagkasabi nun "Haaaaaaaaah?"sabay sabay na sagot at  nagkatinginan pa ang magkakapatid pati ang Nanay nila. "Yes at starting salary ko ay tumataginting na twenty thousand pesosesoses?" patuloy ang pag taas ng kilay ni Belle "Haaaaaaaaah?"tinginang muli ang magkakapatid pati ang Nanay at bahagyang lumakas ang pagkakasagot ng mga ito "At...... at pag start ko may advance salary kaagad sa unang araw ng pagpasok ko?"lumakad lakad pa si Belle habang nakahalukipkip pa din at nakataas ang kilay "Haaaaaaaaaah"mas mataas at mas malakas na sabi ng mga kapatid at Nanay niya "Yes na yes na yes. Kaya maging mabait kayo sakin at wag kayong maingay lalo ka na Pancho Panchito tungkol sa letseng board board na yan." sabi ni Belle na dinuduro isa isa ang mga kapatid "Ate,paghain kita mukhang gutom ka na."sabi ni Pancho "Teka bili ko ng softdrinks si Ate."singit naman ni Bruno "Ate,hubarin ko na yang sapatos mo. Eto oh mag tsinelas ka. Baka madumihan paa mo."sabi naman ni Alona. "Wow..ang babait naman ng mga kapatid ko."sabi ni  Belle "Labhan ko mamaya yung marurumi mong damit ,plantsahin ko naman yung iba. Alona itapat mo nga sa Ate mo yung electric fan."pabulong naman na pahabol ng Nanay ni Belle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD