Matapos ang pananghalian ay nagpahinga lamang sila saglit at lumusong ulit sila lahat sa dagat. Mapula na ang mga balat ng magkapatid na Fritz at Pieter dahil sa pagkakabilad sa araw. Pero ayaw pa din magpaawat ng mga ito sa paliligo. Lahat ng maaari nilang pagkalibangan ay ginawa na nila. Matiyaga namang sinusundan ni Belle ang dalawa niyang alaga saan man ito magpunta. Nililibang na lamang niya ang mga ito sa paggawa ng kastilyono ng kung anu-ano pa sa buhanginan para hindi na magsilayo. Dahil sa pagod sa maghapong ligo at paglalaro ay maagang inantok ang dalawang bata at pinatulog na agad ni Belle ang mga ito sa kwarto. Dahil medyo pagabi na ay nagsuson na din ng short si Belle para sa muli niyang paglusong sa tubig. Samantalang si Mama Lucia naman ay nagpahinga na din dahil sumakit