Dahil sa wala pa din pasok ang mga bata kinabukasan, nahiligan ng mga bata ang mga laro na itinuro ni Belle. Ang tagu taguan, langit lupa, doktor kwak kwak, at kung anu ano pa. Ang pinaka pahinga ng mga bata ay ang panunuod ng tv at ang pagkain. Naisipan din ni Belle na i tutor pa din ang mga bata kahit araw ng linggo. Pinapangakuan niya na maglalaro sila pagkatapos ng tutor kaya naman madali niyang napapasunod sila Fritz at Pieter. "Nay, hindi po pala ko makakauwe bukas. Next week na lang daw po sabi ni sir." si Belle habang kausap ang Nanay niya sa telepono. Sinamantala na niyang tawagan habang wala siyang ginagawa. "Eh bakit daw?" tanong ng kanyang Nanay sa kabilang linya. "Gusto daw pong makita ni sir kung ano daw po ginagawa ko sa bahay saka sa mga bata." sagot ni Belle "Ah ganun