Chapter 4

1693 Words
"Ito magiging kwarto mo Belle, pero pag alis ko na sa susunod na araw. Dun ka muna sa sala pansamantala may extra namang folding bed. Paggising ng dalawang bata ikaw na magtimpla ng gatas nila madalas kasi nakakalimutan ni Lucing. Mamaya sumama ka sa service ng mga bata para makilala ka sa school, pakita ka dun sa mga titser nila. Naitawag na ni Klipord sa iskul papakita ka na lang. Bigay mo yung kontak number mo sa mga titser minsan kasi bigla na lang tumatawag mga yun. Si Piter isang oras lang ang klase nun kaya hihintayin mo araw araw tapos sasabay ka na sa service pauwe dito. Si Prits apat na oras ang klase kaya hinahatid na lang ng service. Una mong itututor si Piter tapos pagdating ni Prits, magpahinga lang din konti saka mo itu tutor. Wag na wag mong sasaktan  o kukurutin ang mga bata. Idedemanda kita. Kita agad sa balat ng mga yun hindi gaya diyan sa balat mo."  mahigpit na habilin ni Mama Lucia "Hindi po ako marunong manakit ng bata." sagot ni Belle "Pero baka sa matanda eh manakit ako. Pati ba naman balat ko eh pinakailaman pa,akala mo namang kakinisan siya." sa loob loob ni Belle "Inglis mo kakausapin mga bata ha. Hindi agad natutulog mga yan. Babasahan mo ng istorya. Dun sa kwarto nila. Dalawa kama dun yung isa sa Daddy nila tapos tabi yung isang kama eh tabi yung dalawang magkapatid. Kapag tulog na mga bata, pwede ka ng lumipat ng kwarto nun. Naiintindihan mo ba Belle?" "Ah opo Mam." sagot ni Belle na tatango tango "Hindi ba pwedeng lilipat na lang ako sa kabilang kama para tipid ang kilos ko. chos." ngani nganing isagot ni Belle sa mama ni Clifford. "May tanong ka ba? Kapag wala eh ayusin mo na gamit mo. Mamaya maya gising na mga bata." si Mama Lucia "Sige po mam." sagot ni Belle "Okey. Dun muna ko sa kwarto at magpe peysbuk muna ko. Baka nag message na yung ka chat kong poreyner." paalam ni Mama Lucia "Aba, at may kalanturan pa pala tong matandang to." sabi ni Belle sa sarili niya Pagkatalikod ni Lucia ay inasikaso na ni Belle ang kanyang mga gamit. Nagpalit na din muna siya ng damit pambahay dahil mamaya pa naman ang pasok ng mga bata. Dahil inisip niyang wala pa naman siyang gagawin ay tumambay muna si Belle sa garden table. Humila siya ng isang upuan at naupo duon. Naisipan niyang mag selfie at ginawang background ang bahay ni Clifford. Iba't ibang pose ang ginagawa niya ng datnan siya ni Manang Lucing. "Ano ginagawa mo?" nakakunot ang noo ni Manang ng nagtanong ito "Ah eh. Selfie po Manang. Gusto mo sumama?" alok ni Belle "Inayos mo na ba isusuot ng mga bata pampasok?" mataray na tanong nito "Ay ako po ba gagawa nun?" tanong ni Belle "Gusto mo ako na gagawa. Ikaw ang magluto dun sa kusina saka maglinis ng bahay. Pa selpi selpi ka dyan." pagtataray ni Manang "Ay sorry po. Sige po ayusin ko na po." sagot ni Belle "Punyetang katulong to, mas masungit pa pala sa amo."sa loob loob ni Belle Pumasok si Belle ng bahay at nasaktuhan niyang nasa loob ang bunsong anak ni Clifford na si Pieter. Dahil sa hindi siya kilala ng bata, natakot ito at nag iiyak. Humahangos naman papunta ng sala si Mama Lucia at Manang Lucing. "Hey. Don't cry. Baby don't cry." sabi ni Belle sa bata ""Oh Piter, why are you crying baby.?" si Mama Lucia ng marinig ang iyak ni Pieter. "Belle, what did you do to the child?" asik namang tanong ni Manang Lucing "Taray ni manang ah, inglis inglisan din."sabi ni Belle sa sarili "Ay wala po kapapasok ko lang po ng nakita ko yung bata." sagot naman ni Belle Nang makita ni Manang Lucing na padating na din si Lucia ay bumalik na ito sa ginagawa. "Baby don't cry. She is Mama Belle." sabi ni Mama Lucia Natuwa si Belle sa narinig kay Mama Lucia. Mama Belle pala ipapatawag sa kanya sa mga bata. "Wow, feeling mother ako niyan. Ganda ko naman para magkaanak ako ng ganyan." sabi niya ulit sa sarili Inakay ni Lucia si Pieter at naupo sa sofa. "Mama, where's my milk?" tanong ni Pieter "Belle, paturo ka kay Manang Lucing ng timpla ng gatas ng mga bata. Dalawa na timplahin mo at tiyak gigising na din si Prits nyan." sabi ni Lucia Tumalima naman agad si Belle pagkasabi ni Lucia nun. Dumiretso agad siya ng kusina kung saan madalas naroon si Manang Lucing. "Manang paturo nga po ng timpla ng gatas ng mga bata." bungad ni Belle "Nakita ng may ginagawa abala nag aabala pa." bulong ni Manang Lucing "Ano po yun Manang?" nagkariringgan si Belle "Kunin mo yang dalawang baso dyan. Yung blue kay Fritz, yung green kay Pieter, wag na wag kang magkakamali mag aaway yun. Dalawang kutsara lang ng gatas, yung kay Fritz kalahating kutsarang asukal, yung kay Pieter walang asukal. Siguro naman madali mong natandaan." masungit na sabi ni Manang Lucing habang nagluluto ng almusal. "Sige po." sagot ni Belle "Malamang na matandang dalaga to at hindi nakatikim ng iyot kaya ganito." bulong ni Belle "Ano yun Belle?" si Manang Lucing "Po? Wala po kinakabisado ko po yung sinabi nyo." maang maangan ni Belle Pagbalik ni Belle ng sala ay nandun na din ang isa pang anak ni Clifford na si Fritz. Nakatuon na ang mga atensyon ng mga ito sa cartoons na pinapanood sa tv. "Prits... Pieter here is your milk." sabi ni Lucia ng makita ng padating si Belle Nakuha ng atensyon ni Fritz ang pagpasok ni Belle. "Sino siya Mama?" tanong agad ng bata "Belle umupo ka muna ng makilala ka na ng mga bata." si Lucia "Piter, por a while. Mama will tell you samting."     Pilit kinukuha ni Lucia ang atensiyon ng maliit mula sa pagkakatutok nito sa panunuod. "This is Mama Belle. Prom now on, she will be your yaya." pakilala ni Lucia "Punyeta, talagang idiniin pa yung yaya." sa sarili ni Belle "But don 't call her yaya. Call her Mama Belle." patuloy ni Lucia "Yun naman pala eh. Ganyan nga." bawi sa sarili ni Belle "Oh say hi to Mama Belle." sabi ni Lucia sa dalawang bata "Hi Mama Belle." sabi ni Fritz. Hindi naman maawat sa panunuod si Pieter. Titingin lang saglit kay Belle at babalikan agad ang pinanunuod. Naisip ni Belle na kailangan niyang makuha ang loob ng mga bata dahil yun naman talaga ang trabaho nyo. "Hi Fritz... Hi Pieter. Come... come.. come to Mama Belle. Sit... sit.. here beside me." sabi ni Belle "Oy Belle parang ginawa mo namang mga aso mga apo ko. Ayusin mo pagtawag." masungit na naman ang Lucia "Jusku. Ano ba tamang pagtawag sa mga batang to." sa loob loob ni Belle Iniba na lang ni Belle ang sasabihin. "Did you like the milk Fritz.. Pieter? Mama Belle was the one who...who...." "tang ina ano ba inglis ng timpla" isip ni Belle "who make it." dugtong ni Belle sa naputol na sasabihin "Jusku buti na lang. pwede na siguro yun." sabi ni Belle sa sarili "Yes i love it Mama Belle." sagot ni Fritz Para namang nakahinga ng maluwag si Belle sa sinagot ng bata "How about you Pieter?" tanong ni Belle "Masarap." sagot ni Pieter "Punyeta. Marunong naman kasing magsipag tagalog bakit kailangan ko pang inglisin tong mga anak araw na to." sabi ni Belle sa sarili "Wow. Mama Belle will be the one to make your milk everyday." sabi ni Belle "Belle iwan ko muna sa yo mga bata, baka magalit na yung ka chat ko." si Lucia "S-sige po." sagot naman ni Belle Dahil nasa tv ang atensyon ng mga bata ay hindi na inabala ni Belle na kausapin ang mga bata. Ang mahalaga ay kilala na siya ng mga ito. "Breakfast is ready. Mam, nakahain na po." si Manang Lucing. Tumapat pa ito sa kwarto ni Lucia para marinig ang sinabi niya. "Mamaya na ko. Sunod na lang ako." sagot naman ni Lucia na abala sa pakikipag chat "Oh kids let's go. You eat your breakfast. tv later after eating." sabi naman ni Belle sa mga bata at sumama naman agad ang mga ito. Pagdating sa round table na dining set ay iniupo na muna ni Belle si Pieter bago siya umupo sa tabi nito.Dahil napansin ni Belle na wala pa siyang pinggan sa harap niya ay siya na ang kusang kumuha ng gagamitin niyang pinggan. "Oy oy oy.. ano gagawin mo?" si Manang Lucing "Kakain po. kayo po ba?" sagot naman ni Belle "Senyorita ka ba dito? Pakainin mo muna yang alaga mo at nagpapasubo pa yang si Pieter bago ka kumain." mataray na sagot ni Manag Lucing "Salaksakin ko kaya ng tinidor lalamunan nitong matandang to. Pwede namang sabihin ng maayos eh." sabi ni Belle sa sarili niya na pakiramdam niya ay napahiya siya dito sa pagkakasabi sa kanya nun. "Ah. S-sige po." sagot na lang ni Belle "May araw ka din sa 'kin." "Ano yun Belle?" biglang baling ni Manang kay Belle "Ah. eh s-sabi ko po anong a-araw po ba ngayon. Malilimutin po kasi ko paminsan minsan." sagot ni Belle "Malinaw pa pala pandinig nitong masungit na to." sabi niya sa sarili "Miyerkules ngayon. Kapag friday P.E. uniform ang mga bata ha." sagot ng matinis na boses ni Manang Lucing "Oh, open your mouth Pieter. " habang sinusubuan ni Belle Dahil gutom na rin, sumusubo na din si Belle kapag hindi nakatingin si Manang Lucing imbes na kay Pieter niya ito isubo. Hindi na niya halos nginunguya at nasa paligid lang si Manang Lucing. "Pagkatapos kumain ng mga bata eh kumain ka na din. Tapos papaliguan mo na mga yan. Sa school na kakain ulit mga yan. Pagkauwe mo dito saka ka pa lang manananghalian." sabi n Manang Lucing "Sige po Manang." sagot ni Belle "Pasasaan ba at masasanay din ako sa trabahong to."sabi ni Belle sa sarili Matapos kumain ng mga bata ay sabay namang kumain si Manang Lucing at Belle. At gaya ng sabi ni Manang, pinaliguan na niya ang mga bata at binihisan na niya ito ng mga uniform nila. "Belle, yung mga habilin ko sa yo ha. Wag mo kakalimutan." Sabi ni Lucia habang hinihintay nila ang school service. "Opo mam." sagot ni Belle "Oh eto na pala. " ng makita ni Lucia ang padating na school service "Ingatan mo mga bata ha." habilin ni Lucia habang pasakay na sila Belle "Opo mam. Pag uwe po sana namin wala na kayo." sagot ulit ni Belle na hininaan niya ang pagkakasabi sa huli "Tama ba pagkakarinig ko sa sinabi ni Belle?" sa loob loob ni Lucia na napakamot pa sa ulo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD