Chapter 6

1688 Words
Matapos pakainin ni Belle si Pieter ay sinimulan na nito ang pagtu tutor. "Okey Pieter you know Mama Belle already, right?" tanong ni Belle sa bata. Tumango tango lang si Pieter. May sarili si Pieter na mesa at upuan na pambata. Si Belle naman ay may mesa na mas mataas lang ng kaunti sa mesa ni Pieter na may upuan din na bagay lang sa mesa nito. "Okey Pieter, we are going to study the different colors." panimula ni Belle. "I like colors." sagot ni Pieter "Really Pieter, you like colors? Good." si Belle Nagbuklat ng libro si Belle ng mga object. Una niyang pinakita ang mansanas. "Pieter, look. What is this?" tanong ni Belle "Apple." sagot ni Pieter "Very good. So what is the color of the apple?" muling tanong ni Belle "Red." sagot ni Pieter "Very good." si Belle Naisipan ni Belle na hindi pakitaan ng larawan si Pieter upang makita niya kung kayang mag isip ng bata. "Okey Pieter, do you know milk?" tanong ni Belle "Yes. I love milk. It is white." sagot ni Pieter "Wow. Very smart just like smart pre paid." si Belle "Oy, oy, oy. Belle, i want tu see  yu t**s?" si Mama Lucia na biglang dumating at umupo sa sofa. "My t**s mam?" sabay tabing ni Belle sa kanyang dibdib "Yes. Yu t**s. Yur a titser, so i want to see yu t**s Piter." si Mama Lucia "Ah okey mam"  sagot ni Belle "Langya akala ko'y  may paka lesbiana tong boses lukaok na to." sabi ni Belle sa sarili "Mama." bati agad ni Pieter "Okiy Piter listen tu mama Belle." sagot ni Lucia sa apo "Mama, join us. You are my classmate." si Pieter "Yu want me to be yur klasmeyt ha Piter?" tanong ni Lucia sa apo. "Yes and mama Belle is our teacher." sagot ni Pieter "Okiy Belle, im yur studint tu." si Lucia Pumalakpak naman si Pieter dahil may kaklase na siya. "Okey so let's go back to our topic, about colors." pagpapatuloy ni Belle "Pieter, what is the color of banana?" si Belle "Yellow." sagot ni Pieter "Very good. Mama it's your turn now." sabi ni Belle Napatingin naman si Pieter sa lola niya at nakangiti ito. "Mama, what is the color of your teeth?" tanong ni Belle "White." sagot ni Lucia "Are you sure Mama?" si Belle "I'm going to ask Pieter. Pieter, what is the color of Mama's teeth?" tanong ni Belle kay Pieter "Yellow, like the banana." sagot ni Pieter. Natawa si Belle ng palihim. "So Pieter got the correct answer." si Belle Pumalakpak ulit si Pieter. "Yillow na ba ngipin ku Belle?" tanong ni Lucia "In my class, always speak in English. And Pieter was the one who said it's yellow. Remember mam, kids don't lie." si Belle Napahawak bigla sa bibig si Lucia at naisip isip niya na baka totoo nga dahil bata na ang nagsabi. "Okey Pieter it's your turn again. What is the color of the sky?" si Belle "It's blue." si Pieter "Very good. Mama's turn. Mama, what are the colors of the rainbow?" si Belle "Reid...  urenj... yilo... grein... bayulet..." Pinutol ni Belle agad ang sinasabi ni Lucia. "It should be in order." si Belle Natawa si Pieter dahil nakikita niya ang lola niya na nahihirapang sumagot. "Reid.. urenj... yilo... grein... blo... indigo... bayulet." si Lucia na nahirapang isipin ang pagkakasunod sunod "Good. Pieter your turn. What is the color of the  leaves?" si Belle "Green." sagot ni Pieter "Very good. Mama, what are the colors of the flag of Zimbabwe?" tanong ni Belle "Ako ba Belle eh niloloko mo?" si Mama Lucia "In English Mama" sabi ni Pieter sa Lola niya "Are yu pulling mi Belle?" asar na tanong ni Lucia "No Mama." sagot ni Belle Lumapit si Belle kay mama Lucia at bumulong "Sinadya ko po talaga yun para hindi nyo masagot. Tumataas kasi self confidence ng bata nun kapag hindi nakakasagot yung kaklase niya." gawa gawang kwento ni Belle "Ah ganun ba yun." nakukunot noo namang sabi ni Lucia "Opo. Tingnan mo si Pieter ang sigla di po ba." pagmamalaki ni Belle "Naku mukhang tama ka nga." sagot naman ni Lucia Bumalik muli si Belle sa kanyang table habang natatawa sa sarili lang niya. "Okey, and now Pieter... Mama... we will learn the shapes. Let me give an example. The  table is sqaure. Pieter, do you understand?" si Belle "Yes." sagot ni Pieter "Okey give me example of sqaure Pieter." tanong ni Belle "Mama's face." sagot ni Pieter Hindi napigilan ni Belle na tumawa sa pagkakasagot at tinuro pa ni Pieter ang mukha ng lola niya. "Belle, wat's pani?" si Mama Lucia na naasar sa tawa ni Belle "Nothing Mama. I'm not laughing." si Belle "Mama, don't fight Mama Belle." si Pieter "Oh, ano ka ngayon? mano't tanggapin na kwadrado talaga mukha niya. Parang bilyaran na may mga kanto" sa loob loob ni Belle "Ay no Piter. I'm not payting Mama Belle. Just toking toking." baling ni Lucia sa apo "Okey now let's ask Mama. Mama give me an example of heptagon. A polygon with seven sides." si Belle "Belle ano ba naman yan. Hirap naman yan." si Mama Lucia "Pieter your classmate is not speaking in English. What will i do?" si Belle "Give Mama punishment." sabi ni Pieter "Mama, you heard it, right?" si Belle Hindi naman mapakali si Lucia. Hindi rin niya pwedeng pagalitan si Belle sa harap ng bata dahil magagalit si Pieter kapag inaway niya ang teacher niya. "Okey Mama go here in front." sabi ni Belle "Squat." sunod na utos niya Pagtayo ni Lucia ay pumunta agad siya sa harap at nag squat. Pinatungan pa ng libro ni Belle ang mga brasong nakaunat ni Lucia. Tuwang tuwa naman si Pieter sa nakikita. "Tiisin nyo lang po mam. Tingnan nyo naman yung apo nyo oh. Tuwang tuwa. Taas ng confidence nyan mam." pambobola ulit sa nakangiwi ng si Lucia "Okey. So while Mama is being punished, Pieter, you will be the one to answer my question?" si Belle "Yes Mama Belle."  sagot ni Pieter "Pieter, the tomato is round, right? Can you give me another example of a round object?" tanong ni Belle sa bata "Mama's nose, it's just like a tomato." sagot ni Pieter Napatakip si Belle ng bibig upang hindi lumabas ang napakalakas niyang pagtawa. Naka squat pa din si Mama Lucia habang tawa ng tawa si Pieter sa lola niya. "Belle are yu lapping?" tanong ni Lucia "I'm not." sagot ni Belle na pigil ang tawa "Belle, matagal pa ba to. Nangangawit na ko. Nganong niapil ko dinhi?" si Lucia "Let's ask Pieter. Pieter, are we going to stop the punishment to Mama?" si Belle "A little more time."  sagot ni Pieter Lumapit si Belle kay Lucia "Mam, hindi ko na kasalanan yan ah.  Kita mo naman bata na may gusto. Masama kasi magiging epekto kapag kinontra natin yan." halos pabulong na sabi ni Belle kay Lucia "Ganun ba. Gaya ng ano?" tanong ni Lucia "Pwede pong maging traumatic ang bata o kaya makakita ng mga hindi naman natin nakikita. Kaya yung ganyang edad dapat po talaga sinusunod yung sinasabi." si Belle "Ah ganun ba... s-sige tiisin ko na lang to." sabi ng medyo nanginginig na sa ngawit na si Lucia "Pieter, you are doing great. So i will give you seatwork. You have to color this." sabi ni Belle habang iniaabot ang mga materyales sa bata. "How abawt mi Belle?" si Mama Lucia "Manigas ka diyan. Pakialamera ka kasi." pabulong na sabi ni Belle "Ano Belle?" asik na tanong ni Lucia "Ah s-sabi ko po mam sige na po alis na po kayo habang nalilibang na nagkukulay yung bata." mahinang sabi ni Belle "Dali dali. Baka mapansin pa kayo. Wag na po kayo,babalik."  sabi ni Belle "Ano yung huling sinabi mo?" mahina pero may galit sa mukha ni Lucia "Wala po mam. Sige na po baka mapansin pa kayo." si Belle Dumila pa si Belle ng nakatalikod na si Lucia. Matapos magkulay ay chineck-an na ni Belle ang ginawa ni Pieter at pinapasok na ito sa kwarto para makapagpahinga. Niligpit muna ni Belle ang gamit ni Pieter,  dahil ilang oras lang ay si Fritz naman ang darating. Nagkaroon siya ng oras na makapagpahinga at makapag meryenda. "Hi Manang." bati ni Belle ng makita ang kasambahay sa kusina na nagbabasa ng pocketbook. "Meryenda po tayo." dugtong niya "Katatapos ko lang." matipid na sagot ni Manang dahil nakatutok ito sa binabasa. "Nagustuhan mo po ba masahe ko manang. Gusto mo Masahihin kita ulit?" alok ni Belle Ibinaba pansamantala ni Manang ang hawak na pocketbook at hinarap si Belle. "Okey na ko. Eto walong salonpas ang nilagay ko. Para mawala na ang lamig. Salamat na lang." mataray na sagot ni Manang sabay balik   sa binabasa "Siya na nga inaalok ayaw pa. Kung sinabi lang niyang gusto niya, martilyo ang ipangmamasahe ko sa likod niya." sabi ni Belle sa sarili habang kumukuha ng juice sa ref. Pagkagawa ng sandwich ay dumiretso siya sa  garden table upang duon magmeryenda at naisipan niyang itext ang kaibigan habang wala siyang ginagawa. "O kamusta ka naman diyan?" reply ni Apol "Ay ang bilis magreply. Eto okey naman. May mga kontrabida din dito." si Belle "Bakit?" si Apol "Nandito pa yung nanay ni Sir pero uuwe na din ng Cebu sa isang araw. Saka yung katulong, napakasungit. Matandang dalaga yata." si Belle "Hahahaha. Aalis na naman pala eh. Konting tiis na lang. Buti naman nakapagtext ka." si Apol "Oo katatapos ko lang mag tutor dun sa isa. Yung isa pamaya maya naman pagdating galing school." si Belle "Eh si sir?" si Apol "Hindi ko alam oras ng uwi nun." si Belle "Kapag wala na yung nanay ni Sir pogi pasyal ako diyan ha." si Apol "Sige. Para hindi ko na ipagpaalam dun.Sabihin ko pa din kay Manang Lucing na papasyal ka." si Belle "Sinong Manang Lucing?" si Apol "Si Manang Lucing yung katulong. Si Mama Lucia yung mama ni Sir. Lucing saka Lucia. Mga anak yata ni Lucifer tong mga to." si Belle "Eh sakto naman pala. Di ba impakta ka naman. Hahaha." si Apol "Hoy Demonica, mas impakta ka sakin noh." si Belle "Sige text text na lang. Kelan nga pala uwi mo?" pahabol na text ni Apol "Sa Monday. Day off ko." si Belle "Okey sige. Ingat." huling text ni Apol "Ingat sila sa 'kin." huling reply ni Belle Matapos mag meryenda ay niligpit na ni Belle ang pinagkainan. Siya na din ang naghugas para hindi na pansinin pa ni Manang Lucing. Ilang sandali pa at dumating na din si Fritz at inasikaso na din muna niya ito kagaya ng ginawa niya kay Pieter. Habang nagtututor siya ay muling lumabas si Mama Lucia at siya na mismo ang tumawag dito. "Mama, you want to join Fritz?" bati niya kay Lucia " No no no no no. I'm busy." sagot ni Lucia "De nagtanda ka. Hmp." nangingiting sabi ni Belle sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD