"A-aray ko." daing ni Manang ng magising ito sa pagkakauntog sa upuan. ""Naghihilik ka pa lang Manang gising ka na agad? Napuyat po ba kayo kagabi?" tanong ni Belle habang nakaupo pa din sa harap ng mesa habang hinihintay ang kagigising lang na si Manang. Umupo muna si Manang sa sahig bago ito sumagot. "Anong napuyat? Nauntog kaya ako. Nahilo ko hindi ko alam na nakatulog pala ko. Ibangon mo ako dito, pati ako dinamay mo dun sa akting na 'yun eto tuloy napala ko. Araaaay." Lumapit naman agad si Belle para tulungan si Manang itayo. "Naku Manang nagkabukol ka nga. Lagyan nyo agad ng yelo." Nahawakan ni Belle ang braso ni Manang na pinalo niya ng sandok. "Araaay." sigaw ni Manang. "Bakit Manang. Teka itayo ko na kayo." Muling hinila ni Belle ang braso ni Manang na pinagpaluan niya. "Ara