Hindi nakapaligo sa dagat si Kelly nang gabi na 'yun dahil sa pagod. Sa halip, nilibang na lang siya ni Clifford na maglakad habang nagkekwentuhan sa dalampasigan. Mas maraming pagkakataon na makausap ni Clifford si Kelly sa tuwing bakante ang mga oras nila. Lalong napapalapit ang loob niya sa kay Kelly lalo na at madalas niyong tawagin at laruin ang mga anak niya. Sa tuwing tatawagin ni Clifford ang mga anak ay nagkakaroon naman ng bakanteng oras si Belle para sa sarili niya at pakikipagkwentuhan kay Manang Lucing. "Mukhang malapit na 'yung mga alaga mo kay Ms. Kelly ah, Belle." turan ni Manang Lucing habang nasa kusina sila ni Belle. Nakaupo lang si Belle sa mesa ng dirty kitchen habang nagluluto naman si Manang. "Okay nga 'yun Manang para naman nakakapagkwentuhan tayo. Saka hindi