“Ano ba! Get off from me!” pilit na mapahinto ng dalaga ang pagkakahila sa kanya ng binata at itaboy ang mga kamay ng binata na mahigpit na naka-ipit sa kanyang mga kamay.
Bahagyang huminto ang binata na siyang dahilan upang makahinga ng malalim ang dalaga.
“Hinding hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo. You should pay for it.” galit na tugon nito. Agad namang nagpatuloy ang binata sa paglalakad habang hila hila nito ang dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Anne nang makita ang Italic printed sign na ‘Guidance Office’. Halos nanginginig na ang dalaga habang humahakbang papalapit sa opisina.
“Teka, teka teka.” agad namang napahinto ang dalaga sa tapat ng guidance councilor’s room. This can’t be. This is the first day of her class tapos maakusahan agad siya?
“Can't we talk about this? This is not that too worst na ipapahantong pa natin sa guidance hindi ba?” pagmamakaawa nito sa binata. Kung pwede lang na lumuhod sa harap ng binata ay gagawin ni Anne hindi lang hahantong ang lahat ng ‘to sa guidance councilor.
“Slapping the son of the owner of this university is more worser than cutting classes.” tugon nito.
Wala ng ibang nagawa pa ang dalaga kung hindi ang sumunod sa binata. Halos titigil na ang mudo niya nang makapasok sa loob ng guidance councilor. Ni sa states ay hindi niya ito naranasan kaya sobrang kaba ang meron siya ngayon.
Maraang umupo ang dalaga sa tapat ng desk. Tahimik habang nanginginig ito na hinarap ang guidance coordinator.
“What’s wrong Mr. Villamor?” kagalang galang na wika nito sa binata. Agad na napatingin ang dalaga sa coordinator.
“Ma’am hindi ko naman sinandya e! Nakakainis lang talag...” hindi nakapagpatuloy ang dalaga nang sitahin ito ng binata.
“She slapped me.” sabat nito. Agad namang napapikit ang dalaga. Kung pwede lang sana patigilin ang mundo ay ginawa na niya kanina pa.
“What? Aren’t you inform miss?”
“De Guzman po.” sabat ng binata.
“Miss De guzman, he is the only son of the Villamors, the owner of this school.” tugon nito. Napakagat labi ang dalaga nang marinig iyon.
“And? Not only that, sumakay din siya sa private elevator even if she’s not one of the staff.” reklamo pa nito sa coucilor. Mas naigting ang dalaga nang marinig ang reklamo ng binata. Halos puputok na ang noo ng dalaga dahil sa galit habang katabi ang lalaking ito. Dahil lang sa walang kwentang kasalanan na iyon ay maakusahan siya at nahahantong pa ito sa guidance office.
“Well, that’s worse nga talaga. What do you want me to do with her Mr. Villamor?” napataas ulo ang dalaga nang marinig ang desisyon ng ginang. Anong klaseng councilor ito? Bakit nagtayo pa sila ng guidance office kung ang aakusa ay ang anak din pala ng may-ari ng unibersidad na ito?
“Ma’am, pwede po akong maglinis ng buong school, buong C.R. at iba pa po.” boluntaryo pa ng dalaga sa sarili nito.
“Stop it miss De Guzman! Hindi ka pwedeng magdesisyon sa sarili mo.” wika nito na siyang ikinapigil ng dalaga.
“Mr. Villamor? What do you want me to do with her?” tanong nito ulit sa binata.
Napatingala ang binata habang pinag-iisipan ang maaaring i-aakusa sa dalaga. Habang si Anne naman ay walang humpay ang kaba at takot.
“Make her my Personal Assitant.” tipid na wika nito sa dalaga na siyang ikinalaki ng mga mata ni Anne.
“Po?” gulat na wika nito.
“Pero Mr. Villamor...” akmang tututol na sana ang coordinator nang pinigilan ito ng binata.
“Sino ba ang may-ari ng paaralang ito?” wika nito. Agad namang napairap ang dalaga.
“Okay po.”
Mabilis na tumayo ang binata sa kinauupuan nito at saka mabilis na lumabas sa silid. Marahan namang sumunod ang dalaga palabas ng guidance councilor’s room.
Nang makalabas ito ng silid. Laking gulat ni Anne nang makita ang mga taong nasa labas ng guidance room. Nasa kanila ang buong atensiyon ng mga tao kaya hindi niya maiwasang mahiya.
Binaliwala na lamang niya ang iba’t-ibang usapan na umaaligid sa kanya. Ang iba’t-ibang usapan na tungkol sa kanya at sa binata.
Agad niyang sinundan ang binata sa private elevator. Gusto niya itong kausapin tungkol sa akusa para sa dalaga. She can’t let it happen lalo na’t sa desisyon nitong maging Personal Assistant niya. Pag-aaral ang pinunta niya rito sa school not a work kaya hindi ito maaari.
“Hooooy!” tawag nito sa binata. Sa halip na huminto ay nagpatuloy ito sa paglalakad. “Hooooy! Bakit mo ‘yon ginawa ha? Nababaliw ka na ba?” sigaw nito sa binata. Bahagyang napahinto ang binata at saka hinarap ang dalaga.
“What’s wrong with that? You’re just be my assistant in one month. All you have to do is to make my school work that's all. May mali ba roon? Beside, may kasalanan ka pa sa’kin hindi ba? Kaya you can’t do nothing but to be with.” wika nito.
“Pero.. ” reklamo pa ng dalaga pero bahagya itong napatigil nang pigilan ito ng binata.
“Walang pero pero. You should start it tomorrow.” wika nito sa dalaga at saka agad na pumasok sa elevator.
Naiwang nakatayo si Anne sa tapat ng elevator. Inis at galit ang kanyang nararamdaman sa puntong ito. Gusto niyang sapakin ang mayabang na lalaking iyon but she can’t.
Agad na bumalik ang dalaga sa silid nito habang mainit ang ulo at bagsak ang mukha. Maraang umupo si Anne sa tabi ni Stacy at saka isinuot ang headphone at nagpatugtog. Pilit niyang mapakalma ang sarili at sa ganoon ay makalimutan ang galit niya para kay Mr. Villamor.