Kabanata 6

775 Words
Biglang natigilan ang dalaga nang makaramdam ng biglaang pagkapigil ng musika sa kaliwang bahagi ng kanyang tainga. Agad niyang hinarap ang pinsan na nakangiting nakatingin sa kanya. “Pwede huwag ngayon? Wala ako sa mood upang makipag-asaran sa’yo okay?” malditang wika nito sa pinsan at saka muling ibinalik ang headphone sa kabila ng kanyyang tainga at ibinaling ang tingin sa harapan. Napairap ang dalaga nang kinuha ulit ng pinsan ang headphone. “Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ba ang init ng ulo mo? Ka umagang umaga hot ka na agad?” tugon nito sa dalaga. Napairap ulit ang dalaga at saka direktang hinarap ang pinsan. “Nakakainis lang kasi, because of those useless faults naakusahan ako, he’s so damn debased.” galit na wika ni Anne sa pinsan. “At isa pa, bakit kailangan pa niyang gawin akong personal assistant? Ano siya boss? Pumunta ako dito to learn not to work.” pagpapatuloy nito. Napatawa naman ang pinsan nang marinig ang daldal ng dalaga. “Eh? Sino ba ‘yan? At bakit sa akin ka ngagalit?” tawang wika nito. “Duuuuh, you don’t need to know him, nakakadisapoint.” wika nito at saka umirap. Habang pumapasok sa isip niya ang binata ay mas lalo siyang nabebesta. “Okay, pero what did you say? Naakusahan ka? Sa guidance?” gulat na wika nito kay Anne. Walang ganang tumango si Anne sa tanong ng pinsan. Agad namang napatakip bibig si Stacy nang marinig iyon. “Isang araw ka pa nga lang dito may kasalanan ka na agad? Paano na kung aabot ka ng apat na taon? Ano ba kasi ang ginawa mo’t napa-guidance ka?” wika nito sa dalaga. “Eh? Malay ko bang may private elevator dito? ” iritadang wika nito sa pinsan. Napatawa ang kaibigan nang marinig ang rason na iyon. “Iyon lang? I guess hindi aabot sa guidance councilor kung ang tanging pagsakay lang ng private elevator ang kasalanan. Tell me, may iba ka pa bang nagawa bukod sa pagsakay sa private elevator?” tugon nito kay Anne. “Nasampal ko ang anak ng may-ari ng unibersidad na ito.” mahinang wika nito kay Stacy. Halos mabasag na ang mga panga ni Stacy nang marinig ang katatagang iyon galing sa dalaga. Sa tinagal-tagal niya rito sa campus ay ni isang beses hindi niya nahawakan ang anak ng may-ari ng campus na ito kaya laking gulat niya nang marinig na sinampal ito ng dalaga nang ganun ganun na lamang. “What? How? Why? ” gulat na tanong nito. Agad namang napailing ang dalaga. “He’s so pervert at unmannered kaya dapat lang na sampalin ang kumag na iyon. I don’t care kung anak pa siya ng presidente or what. Manyak siya! Manyak.” galit na wika nito sa pinsan. “Sabi ko naman sa’yo na may kamanyakan iyon eh. Pero back to the sampal part, paano mo siya nasampal ni kahit mga babae dito sa campus ay walang humpay ang pagpapapansin tapos ikaw? Sasampalin mo lang siya ng gano’n gano’n na lang? How come? You already caught his attention!” wika nito kay Anne na siyang nagpapataas kilay sa dalaga. “They got so wrong on getting attention to a wrong guy. Kung alam lang nila ang totoong kulay ng taong iniidolo nila ay tiyak na matatauhan sila.” mahinang tugon nito sa pinsan. “Tama ka besh. Pero honestly, sobrang gwapo naman talaga ng nilalang na iyon eh, kaya hindi nakabawas iyon sa kagwapuhan niya. Perpekto ang tingin sa kanya ng mga tao dito sa campus.” tugon nito. Napailing na lamang ang dalaga nang marinig ang wika ng pinsan. “How worse.” tipid na wika nito. “Teka? Kinuha ka niyang Personal Assistant?” gulat na tanong nito kay Anne. “Ewan ko, ano bang klaseng paaralan ito? He’s the one who acused those commited one and not the councilors.” “Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, baka sa’yo lang ‘yon niya ginawa.” Naibaling ng dalaga ang tingin sa pinsan nang marinig ang katatagang iyon galing kay Stacy. “What do you mean?” naguguluhang tanong ni Anne sa pinsan. “Ikaw lang ang nakakaranas nito. Maybe ay dahil wala pa ni isa ang nakakagawa nito kay Mr. Villamor.” Agad na napatigil sa pagkukwentuhan ng dalaga nang dumating ang kanilang professor. Ito ang huling professor sa araw na ito kaya hindi na makakapaghintay pa si Anne na makauwi at matakasan ang lahat ng ‘to. Kalaunan ay natapos na rin ang klase nina Anne. Bagsak ang paa ng dalaga na lumabas sa silid. Math class nila ngayon at halos lahat naman ata ng estudyante ay ayaw ang math pwera na lamang doon sa mga math genius. Alas dose na ng tanghali kaya napagpasyahan ng dalawa na sa bahay na lang kumain. This is the first day of her class and the worst day of her life ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD