Kabanata 7

1059 Words
Bagsak ang paa ni Anne na pumasok sa kanilang bahay. Kaagad niyang tinawag si yaya upang makahain na ng pagkain. Kumukulog na rin ang tiyan niya. Nang matapos niya itong makain ay marahang umakyat ang dalaga sa kuwarto nito upang magpahinga. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang sumipot ang mommy nitong nakakunot noo na nakatingin kay Anne. "Nak? Nandito ka na pala? How's your day?" tanong ng mommy niya. Agad na napailing si Anne at pilit na iniwasan ang mga tingin ng ina. Ayaw niyang malaman ng mommy niya ang nangyari ngayong araw, dahil tiyak na sesermonan na naman siya nito. "Ahh? Eh? Ma? Hindi ba pwedeng lumipat ng school?" tanong nito sa mommy ng dalaga. Agad namang napakunot noo ang mommy ng dalaga nang marinig iyon. "What? Didn't you like the school? Base sa narinig ko maganda raw ang paaralang iyon." tugon nito. Agad namang napakamot ang dalaga sa ulo nito. "But..." "No, iyon lang ang tanging private school na malapit dito sa bahay. Mahirap mag-commute sa panahon ngayon kaya mas mabuting malapit lang sa bahay natin ang paaralan mo." Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumang-ayon na lang sa gusto ng ina. Agad na napabuntong hininga ang dalaga. "Pahinga po muna ako." mahinang tugon nito sa ina at saka tuluyan ng pumasok sa kuwarto at agad na binagsak ang sarili sa malambot nitong kama. NAGISING ang dalaga nang biglang tumunog ang cellphone nito, agad niya itong dinampot at saka tinignan. From: Unknown Be ready for tommorrow. Agad na napakunot noo ang dalaga habang tinitignan ang isang text message na nag-appear sa screen na galing sa hindi kilalalang numero. "Wala akong naalalang binigyan ko ng phone number, baka wrong number lang." mahinang tugon nito sa sarili. Agad niya itong binura at saka bumalik sa pagtulog. It's already eight o'clock in the evening kaya itinuloy na lang niya ang pagtulog. Hindi pa naman siya nakaramdam ng gutom. NAGISING ang dalaga nang makaramdam ng init na dumapo sa mukha nito. Hindi na siya nagulat pa dahil alam niyang si yaya ito na siyang gumigising sa kanya tuwing madaling araw noon pa man. "Good Morning hija. Gising na baka mahuli ka pa sa klase mo." sambit nito. Walang ganang umawat ang dalaga sa mismong kama. Kung pwede lang sanang hindi pumasok ay gagawin niya. Pero hindi, malinaw sa batas nila na kapag mag-liban ka ng isang araw sa klase ay pwedeng ikakahantong sa pagkakasuspindi. Agad itong nagtungo sa banyo upang maligo. Ninamnam niya ang lamig ng tubig na dumadaloy sa buong katawan ng dalaga. Nasanay na siya sa lamig ng tubig dito sa pilipinas kaya hindi na ito nag-abalang i-adjust ang temperature ng shower upang maibsan ang lamig. Nang matapos itong maligo ay kaagad rin itong tumungo sa closet upang magbihis. Agad niyang dinampot ang school uniform na nakasabit sa harap niya na alam niyang kakabili lang ng mommy niya kahapon. Naglagay ito ng kaunting lipstick at katamtamang make up. Nang matapos niyang ayusin ang sarili ay agad itong bumaba at saka natungo sa kusina. "Hi nak!" bungad nito sa dalaga. "Where's yaya? " tanong nito sa ina. Sa oras na ito ay ang yaya Linda sana niya ang umaasikaso sa kusina pero ang mommy niya ang bumungad dito. "Inutusan kong bumili muna sa mall, kain ka na. I cooked your favorite minudo." masiglang wika nito sa anak. Agad na kumulog ang tiyan ng dalaga nang marinig ang pangalan ng ulam na paborito niya. "Really mom! " agad namang napaupo ang dalaga sa mesa nang ihain ang pagkain. Agad niya itong inamoy na tila sabik nang sumubo rito. "Eat well, ayaw kong magutom ka sa school." aniya. "Pinsan!" agad namang napalingon ang dalaga nang marinig ang tinig ni Stacy na papalapit kay Anne. "Kanina ka pa sa labas?" "Hindi naman. Tumuloy na ako dahil alam kong sa oras na ito ay hindi ka pa tapos." aniya at saka umupo sa tabi ng dalaga. "Can I join?" hindi pa man nakasagot ang dalaga ay kumuha na ng pinggan ang pinsan at aka maraang kumuha ng ulam na nakalapag sa mesa. "Di halatang gutom, ah?" reklamo pa nito. "Hindi ako kumain sa bahay dahil plano kong doon na lang sa school mag-umagahan. Pero? I saw your food kaya biglang kumulog ang tiyan ko. Masisisi ko ba?" pagpapaliwanag nito habang ang ngiti ay hindi makaalis sa kanyang labi. "Hi tita." "Hija? You like the food? " "Super tita." tugon nito habang puno ang bibig nito sa pagkain. "Good. Bilisan niyo na diyan. You're going late na." Agad namang tumayo ang magpinsan nang matapos itong kumain. Nang makalabas ito sa bahay ay agad na sumakay si Anne sa kotse ng pinsan at saka agad na pinaharurot ang sasakyan papuntang paaralan. Isang kilometro lang ang layo ng paaralan nila sa bahay ng dalaga kaya hindi nila maiwasang mapabilis ang takbo ng kotse upang hindi mahuli sa klase. Agad na bumaba ang dalaga nang makarating ito sa paaralan. Hindi na niya hinintay pa ang pinsan na makabalik galing sa parking lot. Bagamat iba ang building na papasukan ng pinsan kaya hindi sila magkasabay. Akmang sasakay na sana siya sa elevator nang maramdaman ang kamay na kumalabit sa likuran niya. "Saan ka pupunta?" Agad na nagulat ang dalaga nang makita ang mukha na nakaharap sa kanya ngayon. Agad siyang nabebesta nang makita ang lalaking nakatayo sa harap niya. "Sa elevator, malamang." iritadang tugon nito. "Bakit hindi ka nagreply kagabi?" "Aba? Malay ko bang ikaw 'yon?" sagot nito. Akmang papasok na sana ang dalaga sa elevator nang biglang hilahin ito ng binata papasok sa private elevator. Tahimik habang nakatayo sa tabi ng binata ang dalaga. Hindi niya maiwasang mailang lalo na't tanging ang binata lang ang kasama niya rito. "By the way, I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Luke Villamor. " tugon nito. Hindi na nag-abalang sumagot pa ang dalaga. Hindi pa man siya makapasok sa paaralan na ito ay kilala na niya ang lalaking ito dahil kay Stacy. "I already know you kaya you don't have to. Pag-usapan natin ang gagawin mo araw-araw." mahinang tugon nito. Hindi parin kumibo ang dalaga. "Kapag may school task ako ay ikaw ang gagawa. Sa tuwing alas dyez ng umaga, you should buy and bring me my snack and every luch, buy me foods. Alright? " wika nito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD