Halos mabasag na ang panga ng dalaga matapos marinig ang katatagang iyon galing sa binata. Hindi pa niya naranasang maging kasambahay kailanman. “Sure ka sa parusa mo? Pwede kitang irereklamo sa head office.” reklamo pa nito sa binata. Napahalakhak na lang ang binata matapos marinig ang sinambit ng dalaga. “Are you sure? Sa tingin mo sa’yo sila maniniwala at papabor? Syempre sa’kin! Anak ako ng may-ari ng eskwelahang ito remember that Miss Anne.” bulong nito sa dalaga. Agad na tinulak ni Anne ang mukha ng binata na siyang papalapit sa labi niya. “I went here to study, hindi gawing utusan, kuha mo ‘yon?” malditang tugon nito. Nanlaki ang mga mata ni Anne nang itulak siya ng binata na siyang dahilan upang masandal siya sa pader ng elevator. Maraang lumapit ang binata sa tapat ng dala