Chapter 1

2449 Words
*** Nang maipark ko ang sasakyan ko sa parking lot ng school ay taas noo akong naglakad hanggang sa makapasok ako sa room namin. Agad bumungad ang mga kaklase kong sobrang gulo, hindi dahil naglalaro sila kundi dahil sa pagmamadali at apurahang paggawa ng kani-kanilang plates. May ilang aligaga habang hinahanap ang mga gamit nila sa pagd-drawing. May ilan ding halos maiyak na dahil back to zero na naman ang ginagawang plates. Eh, paano? Sa taranta ay napupunit o nalalagyan na ito ng dumi, nababasa na rin dahil sa pawis nila. Umagang umaga pa lang ay ganito na agad ang bumungad sa akin. Napailing-iling ako at prenteng naupo sa isang bakanteng upuan, nilabas ko ang cellphone ko saka pinatong ang paa ko sa isang upuang nasa harapan ko. "Sana all tapos na," rinig kong sabi ni Mandy na kaklase ko, nakaupo siya ngayon sa sahig habang ginagawa ang plates niya. Ngumisi ako, "last week pa 'yan binigay, bakit kasi ngayon niyo lang ginawa? Deadline na, oh." "Baka hindi ka aware na pinabalik ni Ma'am Perez itong mga gawa namin, pres? And worse, pinunit niya pa iyong iba." Natawa ako dahil sa sinabi ni Vina. Oo nga pala, pinunit ng terror na prof namin iyong gawa nila dahil sa konting mali at dumi lang. Ang gusto niya kasi ay perfect, walang kahit anong mali sa plates. "Buti pa ikaw, pres. Kung hindi ko lang alam na magaling ka talaga ay iisipin kong favorite ka niya. Iyong plate mo lang ang tinanggap niya, eh." sabi ni Larry pero ang mata ay nasa ginagawang plate. Natawa na lang ako sa sinabi niya, "magfocus ka na nga lang diyan sa ginagawa mo. Ilang minuto na lang darating na 'yon." Napatingin ako sa wristwatch ko. Sa katunayan ay may kalahating oras pa sila para tapusin iyon. Maaga lang talaga kaming pumapasok dahil ayaw ni Ma'am Perez ang nal-late kaya hangga't maari ay isang oras bago ang klase niya ay nandito na kami sa room. Good thing nakikiayon naman ang schedule namin sa ibang subject. "Hoy, tangina! Sinong kumuha ng metal ruler ko? Tangina, konti na lang matatapos ko na 'to. Ibalik niyo 'yung rule-" "Pwede bang manahimik ka, Pingot, hiniram ko lang saglit. Oh, sa 'yo na!" "Bakit ba kasi hindi mo dinala iyong sa 'yo? Tangina mo!" Hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa kanila. Aligagang-aligaga na talaga sila, halos mag-away na iyong iba dahil sa mga materials na ginagamit nila. Mabuti na lang talaga at tapos ko na iyong akin. Inayos ko talaga nang mabuti ang paggawa roon, buong atensyon ko ang binigay ko para hindi ako magkamali at kahit kaunting dumi ay walang dumikit sa ginawa ko. Mahirap na at baka ganito rin ang mangyari sa akin. "Patingin," sabi ko sa katabi kong halos maiyak na dahil sa ginagawa niya, "akin na. Kaunting polish na lang 'yan tapos na, oh. 'Wag kang umiyak at baka matuluan pa 'yan ng sipon mo. Back to zero na naman. Magpunas ka rin ng pawis mo," pansin ko sa kaniya dahil patulo na ang pawis niya galing sa kaniyang sentido. Halatang stressed na stressed na sila dahil kahit pa man naka-aircon na kami rito sa room ay tagaktak pa rin ang mga pawis nila, gawa na rin nang matinding kaba. Kinuha ko kay Jonah iyong ginagawa niya at inayos iyon. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang huminga nang malalim at nagpunas ng pawis. Nang matapos ko iyon ay binalik ko na ulit sa kaniya. She sighed in relief at todo pasasalamat pa siya sa akin. "Pres, ako rin," tila nagmamakaawang sabi ng isa ko pang kaklase kaya lumapit ako sa kaniya. Ilang minuto akong papalit palit ng lugar para tulungan sila dahil naawa na ako at ilang minuto na lang talaga ay klase na namin. Nang matapos iyong iba sa plates nila ay tinulungan na rin nila iyong iba pang hindi pa nakakatapos. "Sa wakas!" Sigaw nilang lahat at tumingin sa akin habang nakangiti. Napansin kong haggard na ang mga itsura nila, "mag-ayos na kayo," sabi ko sa kanila at muli nang naupo. Inayos na nila ang mga sarili nila, kaniya-kaniyang suklay ng buhok at lagay ng pulbo sa mukha ang ginawa nila. Isa sa mga rule iyon ni Mrs. Perez, walang papasok na haggard, lukot ang suot na damit, at mabaho ang amoy. Kailangan laging presentable ang lagay. Kaya kahit hindi nag-aayos iyong iba ay napapaayos na lang din. "Thank you, pres. The best ka talaga," natutuwang sabi ng katabi ko na nginitian ko lang. Maya't maya ay bumukas na ang pintuan ng room namin kaya napaayos na ang lahat, niligpit ang dapat iligpit pero natigil sila nang makitang hindi si Mrs. Perez ang pumasok kundi ang mga barkada kong nakatingin na ngayon sa direksyon ko habang nakangising aso. I rolled my eyes at them nang maalala na naman iyong pinapagawa nila sa akin. Tangina, oo nga pala. Monday na ngayon. Pusang gala naman, oh! "Ngisi pa. Tapos niyo na ba ang mga plates niyo?" Tanong ko na lang nang makalapit sila sa akin. "Naman!" Sigaw at pagmamayabang ni Caleb. "Wow, pre. Yabang natin, ha? Eh, iyong plates mo nga ang unang pinunit ni ma'am last week," sabi ko at humagalpak ng tawa, "kaunti na lang mamumuro ka na sa kaniya." "Kaunting dumi lang naman iyong dumikit doon kaya napunit. Kung wala iyong dumi siguradong mas maganda iyong gawa ko kaysa sa 'yo," giit pa nito. Ayaw talagang magpatalo ang gago. "Ikaw, Zari. Saka ka na magyabang kapag nagawa mo nang-" Bago pa man matapos ni Avery ang sinasabi niya ay tinakpan ko na ang bibig nito, "we have a deal. Gaga ka ba?" "Sorry na. Sorry na. Hindi ko naman talaga sasabihin," sabi nito nang mtanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. May usapan kaming hindi ipagsasabi sa kahit na sino iyong pinapagawa nila sa akin. Kung hindi ay siguradong patay ako kapag may ibang nakaalam, siguradong makakarating iyon kay Mrs. Perez at sigurado rin akong hindi ako makakapaggraduate kapag nangyari ang bagay iyon. "Malapit na si Ma'am Perez, manahimik na kayo at taimtim na magdasal para sa mga namayapa nating plates," nang masabi iyon ni Alex ay naupo na siya at ganoon din kami. Nakaayos na ang lahat at wala nang umimik, kahit kaunting kaluskos ay wala na. Takot ang lahat kay Mrs. Perez dahil sa kalamigan at kasungitan nito, masyado siyang istrikto. "She's coming," pang-aasar sa akin ng katabi kong si Zeke at sinundot pa ang tagiliran ko. "Manahimik ka at baka punitin ko ang plate mo," banta ko sa kanya pero hindi ako lumingon sa kahit saan, diretso lang ang tingin sa harapan. Napasinghap pa ang ilan nang magbukas na ang pintuan at rinig na rinig namin ang tunog ng stilettos ni Mrs. Perez habang naglalakad siya papalapit sa table niya. Tumingin siya sa amin gamit ang malalamig niyang mga mata at walang kaemo-emosyong mukha pero tangina, ang hot niya sa ganoon. Paano na lang kaya kapag ngumiti siya? Mapula ang gamit niya laging lipstick, ang perpekto ng kurba ng labi niya. Para talaga siyang mannequin kung titignan, mukha rin talaga siyang bata pa at halos kaedad lang namin. Para ngang mas matanda pa kami kaysa sa kanya, eh. Ang unfair. "Aguilar," maawtoridad na tawag nito sa isang kaklase namin na nauna sa class record niya. Paniguradong sinusumpa na ngayon ng iba ang kanilang last name lalo na iyong nagsisimula sa letter A. Mabuti na lang at V ako kaya medyo malayo. Isa-isa ang pagpasa ng plate kaya mas lalong kakaba-kaba. Bago tumayo si Aguilar ay nag-sign of the cross muna ito at saka na lumapit na tila nanginginig pa pero pinilit nito ang maglakad nang tuwid. Nang maibigay niya ang plate niya ay agad naman itong siniyasat ng aming terror na propesor. Umiling-iling ito kaya napakagat labi ako. Pinagkrus ko rin ang mga daliri ko para sana ay tanggapin na niya iyon at 'wag nang punitin. Sana lang ay hindi na ito didiretso pa sa basurahan. Gumaan ang pakiramdam ko nang kinuha niya ang gawa ni Aguilar at sunod na niyang tinawag ang isa pa. Nang matapos na niyang makuha ang lahat ng plates ng mga kaklase ko ay may pinasa siya sa aming test papers. Nagulat ang ilan dahil hindi nila inaasahan ang biglaang pagbibigay ng test ni Mrs. Perez. Nag-advance reading ako kagabi dahil inaasahan ko na ito. Naisip ko kasing Monday at lagi siyang nagbibigay ng test or quiz na walang pasabi. "Once I caught you cheating, I will crumple your paper immediately," sabi nito sa seryosong boses. Pinagkrus niya ang dalawang braso niya saka nagpalakad lakad kaya rinig na rinig namin ang tagaktak ng heels nito. Dahil sa takot ay walang kahit isa ang lumingon sa katabi para mag-cheat kahit alam nilang wala silang maisasagot. Bumuntong hininga ako nang mahina at itinuon na lang ang atensyon ko sa test paper ko pero natigilan ako nang maramdamang may nakatayo sa gilid ko. Hindi ko nagawang lumingon dahil alam kong si Mrs. Perez iyon. Amoy pa lang ay alam na at maging ang anino niya. "Ms. Villaflor, why are you not answering?" Napasinghap ako nang marinig iyon. May ilang napatingin sa akin pero saglit lang iyon. Hindi ako nagsalita at sinagutan na ang test paper ko. Nang makaalis siya sa tabi ko at nang makita ko na siyang naglakad papunta sa harapan ay nag-angat na ako ng ulo. God, ang sexy niya! Likod pa lang ay panalo na. She's now wearing a black pencil skirt kaya kitang kita ang hubog ng kanyang likuran maging iyong maliit niyang waist. Tangina, professor ba ito o modelo sa isang sikat na magazine? Natigil ako sa pagtingin sa katawan ni Mrs. Perez nang may maramdaman akong tumutusok sa tagiliran ko kaya pasimple akong tumingin rito, si Vincent na tila nagmamakaawa na at tinuro ang kanyang papel na wala pang kahit isang sagot. Napailing-iling ako at bumuntong-hininga saka pasimpleng tinagilid ang test paper ko para makita niya ito tutal ay tapos ko na rin naman. Nakatingin lang ako sa harapan at kapag tumitingin si Mrs. Perez sa direksyon namin ay agad kong binababa ang papel ko at nagkukunwaring nagbabasa. "Oks na," rinig kong bulong ni Vincent kaya tumayo na ako at pumunta sa harapan para magpasa. "Sana all," rinig kong bulong ng isa kong kaklaseng lalaki pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Agad namang kinuha ng propesor namin ang papel ko at chineck ito habang iyong iba ay sumasagot pa. Kagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa harapan, sure ako sa mga sagot ko roon pero hindi ko pa rin mapigilan o maiwasang kabahan. Masyado kasing seryoso ang mukha niya sa pachecheck sa papel ko at minsan ay napapatango o napapailing din ito. Napasinghap ako nang tumingin siya sa direksyon ko at napahigpit ang pagkakahawak ko sa desk ng upuan ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon. Pasado ba ako o bagsak? Imposibleng bagsak, sigurado naman akong tama ko ang mga sagot ko roon. Matapos makasagot ang lahat at magpasa ay nagsimula na siyang magdiscuss. Wala ni isa sa amin ang gumagawa ng kung anu-ano dahil tutok kaming lahat sa kaniya, buong atensyon namin ay nasa kaniya lang. Hindi ko maipagkakaila na magaling talaga siyang magturo, matalino siya. Kung sakali mang may bumagsak pa sa post quiz o test na binibigay niya ay siguradong hindi na niya iyon kasalanan pa. Nang matapos ang klase ay umalis na ang lahat except sa amin ng mga barkada ko na nag-aayos pa. Nang mailigpit na nila ang mga gamit nila ay isa-isa silang ngumisi saka ako tinapik nang marahan sa balikat bago umalis. Napalunok ako nang mapagtantong kaming dalawa na lang ni Mrs. Perez ang nandito sa room. Kinuha ko na ang bag ko at sinabit ito sa balikat ko bago lumapit sa kaniya. Kinakabahan ako pero bahala na. "Nice one, Ms. Villaflor. You did a great job." Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ako tinignan pero sigurado naman akong ako iyong kinakausap niya dahil ako lang naman ang Villaflor dito at isa pa ay kaming dalawa na lang ang narito sa loob ng room. Napalunok ako bago sumagot, "magaling po kasi kayo," sambit ko, "saan next class mo, ma'am?" Tanong ko habang hawak ko ang strap ng bag ko. "Lunch break, Ms. Villaflor, if you're not aware," sabi nito, this time ay nakatingin na siya sa akin. I faked a laugh, "oo nga pala. Tara, ma'am, lunch?" Aya ko sa kanya. Kakapalan ko na ang mukha ko. Ngumiti pa ako sa kaniya nang sobrang lapad. Napatitig ako sa mukha niya. Shit! Bakit ang ganda niya lalo sa malapitan? Ang kinis ng mukha niya at tila walang kahit anong bahid na pimple marks. Ang ganda ng kilay niya, iyong pilikmata niya ay mahahaba rin. Naka-fake eyelashes ba siya? Sa tingin ko naman ay natural iyon. Ang ganda rin ng kulay brown at malalalim niyang mga mata. Iyong maliit, matangos at pointed niyang ilong. May ibang lahi ba siya? Napalunok ako nang mapunta ang mga tingin ko sa labi niya- "Ms. Villaflor?" Natigilan ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng dyosang kaharap ko. Wait, natulala na ba ako habang tinitignan siya kanina? Shit, nakakahiya! "Anong oras ulit klase mo mamaya, ma'am?" Tanong ko na lang at kinagat ko ang loob ng ibabang labi ko. "Why are you asking me that?" i shook my head, "wala lang, ma'am. Bawal ba?" "Gusto mong ibagsak kita?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "ma'am, naman," may takot na sabi ko, "kahit perfect lagi ang quiz ko ibabagsak niyo pa rin ba ako?" Napailing-iling siya sa sinabi ko at kinuha na ang mga gamit niya nang maayos na niya ang lahat ng ito. Walang lingon at nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin hanggang sa makalabas siya ng room kaya napakamot na lang ako sa ulo ko saka lumabas na rin. Nang makalabas ako ay nakita ko ang mga kaibigan kong nasa gilid ng corridor at tila natumba ang lagay ng mga ito, "ginagawa niyo riyan?" Iritableng tanong ko sa kanila dahil hindi umepek ang pagpapacute ko sa terror naming propesor. "Kumusta?" Natatawang tanong ni Caleb habang pinapagpag ang suot na pantalon. Inirapan ko sila, "olats, mga gago!" Sagot ko at nagsimula nang naglakad. Tangina! Paano ko iyon gagawin? Napakaimposible talaga. Lalo na't mukhang matigas ang puso niya. Bato ba siya? 'Di bale, isang araw pa lang naman. May ilang linggo pa ako. May 30 days pa ako! Kaya ko 'to! Tangina, paano? Sana nga kaya ko. Halos maiyak na ako habang naglalakad dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Daddy, please, help your daughter! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD