KAUUWI lang ni KG sa kaniyang bahay galing sa pag-go-golf, kasama niya kanina sina Teody, nang salubungin naman agad siya ng isang kawaksi pagpasok na pagpasok niya sa may main door ng mansiyon. “Sir, tumawag po ang Papa ni Ma’am Tami kanina. Gusto raw po kayong makausap. Hindi naman po nagbilin kung tungkol saan ang kaniyang pakay sa inyo. Pero bilin po niya na tumawag daw po kayo sa bahay nila kapag nakauwi ka na po. Mukhang importante po.” Tumango siya. “Sige. Salamat,” aniya sa kawaksi na iniabot na rito ang dala niyang sports bag bago dumiretso sa may salas kung saan mayroong telepono. Agad niyang tinawagan ang bahay ng pamilya Samarro. Ngunit kawaksi lang din ang sumagot. “Sir KG, wala po rito sina Sir, eh.” “Ganoon ba? Sige, tatawag na lang uli ako,” aniya bago ibinaba ang hawak