“MOMMY,” ani Kennedy na tumabi sa kaniyang kinauupuang sofa at yumakap sa kaniya. Pagkuwan ay hinimas-himas pa nito ang kaniyang tiyan na pitong buwan na. “Your tummy is big already.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Lumalaki na rin kasi si baby bunso sa loob ng tummy ni mommy.” “Talaga po?” nasisiyahan pa nitong bulalas. “Kailan po lalabas si baby bunso, mommy?” “Two months from now, Kuya Ken,” aniya rito. Hinaplos niya ang buhok nito. “Excited ka na ba na makita ang baby bunso mo?” Sunod-sunod ang naging pagtango nito. “Yes, mommy! I am!” “I see,” nangingiti pa rin niyang wika. “Mommy, sa room po ba namin mag-sleep si baby bunso?” “Hmmm. Kapag boy si baby bunso, sa room ninyo ni Geo siya mag-sleep. Pero kung baby girl si baby bunso, may sarili siyang room niya. Pero dahil baby pa s