“Sungit. Makikisabay lang ako. Sige na at mag-drive ka na. Puntahan mo na ‘yong pupuntahan mo at doon na lang din ako bababa. Para naman hindi ka na hihinto sa labas ng village.” Kung hindi lang siya nagmamadali ay inilabas na niya ito sa sasakyan niya. Agad na niya iyong pinasibad at pinaharurot. “Nagmamadali ka nga,” naiiling na wika ni Honey habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at nag-focus lang siya sa pagda-drive. Nang makarating sa may Memorial Chapel ay agad na rin siyang bumaba. At hindi na pinansin pa si Honey na bumaba na rin ng kotse niya. May pagmamadali sa bawat hakbang niya na halos takbuhin na nga niya ang papunta sa bungad ng Memorial Chapel. Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinanap kung saan doon nakaburol si Lola Amanda. Hindi naman siya nahirapang ma

