Chapter 71-2

706 Words

“Wala po akong gana, ‘Ma,” mahina niyang anas. “You should eat.” “Kung ayaw mong kumain, apo, mabuti pa na magpahinga ka na muna. Bumawi ka muna ng tulog. Hmmm? Ayaw kong makita na nanghihina ka,” ani Lolo Nolito sa kaniya. Hinaplos nito ang kaniyang buhok. “Makinig ka muna sa aming matatanda. O kahit para sa amin na lang ng lola mo.” Napabuntong-hininga siya. Mukhang wala siyang panalo sa mga nakapalibot sa kaniya. Marahan siyang tumango. “Para po sa inyo, ‘Lo, sige po,” aniya na pigil na naman ang maluha nang yumakap muna rito. “Ako na ang maghahatid sa iyo, anak,” anang papa niya na marahan niyang tinanguan. Humalik muna siya sa pisngi ng kaniyang lolo. Bago tuluyang nagpaalam dito. Humalik din siya sa pisngi ng kaniyang ina at mahigpit din itong niyakap bago sumama sa kaniyang ama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD