Um-order siya ng isang bote ng Jack Daniel’s at sa isang sulok ng bar ay ininom iyon gamit ang isang baso. Naubo pa siya sa unang inom niya dahil para iyong kidlat na animo gumuhit pa sa kaniyang lalamunan. At kahit hindi naman siya mag-iinom ay pinanindigan niya ang pag-inom ng in-order na alak. Partida dahil wala siyang pulutan na kahit ano. Sandali na naman siyang natulala nang maalala ang babaeng nasa likuran ni KG kanina. Humigpit ang kapit niya sa hawak na baso. Bakit kailangan pang magpakita ni KG sa burol ng kaniyang lola na may kasamang iba? Para ba ipamukha sa kaniya na ipinagpalit na siya nito sa iba? “Damn,” nanginginig niyang wika bago muling nagsalin ng alak sa kaniyang baso at inisang lagok iyon kasabay ng pagpatak ng mainit na luha sa kaniyang mga mata. Pagkababa sa hawak

