ABALA sa pag-i-spray ng mga indoor plants si Tami nang maghabulan pa sa may gilid niya ang dalawa niyang mga anak. Napapangiting sinulyapan niya sina Kennedy at Geo na masayang naglalaro. “Kids, careful sa pagtakbo, ha?” “Yes, mommy,” ani Kennedy na tumakbo na palayo. Nakasunod naman sa mga anak niya ang mga tagapag-alaga ng mga ito. Napahawak siya sa kaniyang balakang nang medyo makaramdam siya ng pangangalay roon. Inihinto na niya ang ginagawa at minabuti munang maupo. Itinuloy naman ng isang kawaksi ang pag-spray sa mga indoor plants. Sinulyapan niya ang tinakbuhang pasilyo nina Kennedy at Geo. Hindi na bumalik ang mga ito. Nagbawi na siya ng tingin at isinandal ang kaniyang ulo sa back rest ng kinauupuang silya. “Ma’am, phone call po,” anang kawaksi na lumapit sa kaniya. “Sino ‘y