Ngayon, kasama na ni Lolo Nolito ang kaniyang Lola Amanda. Tumayo sa may likuran niya si KG at hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. “Siguradong masaya na si Lolo Nolito kung nasaan man siya ngayon,” ani KG na umangat ang tingin papunta sa kinaroroonan ni Lola Amanda. “Dahil kasama na ulit niya si Lola Amanda. Sabi niya sa akin kahapon, handa na siya kung isang araw man ay kunin na rin siya ng Diyos. Lalo na ngayon na wala na sa tabi niya ang pinakamamahal niyang asawa. Ang nasa isip na lang niya ay ang sumunod sa lola mo. Dahil higit siyang masaya kung iyon ang mangyayari. He even told me, hindi niya alam kung paanong uuwi sa bahay nila na puro alaala ni Lola Amanda ang naroon. Baka atakihin lang daw siya sa sobrang kalungkutan kapag napag-isa siya.” Tuloy lang si KG sa paghaplos sa kaniya

