Lumunok si KG na humahapdi na rin ang lalamunan nang mga sandaling iyon. Muli siya nitong niyakap nang mahigpit. Sinikap nitong magpakatatag para sa kaniya. Dahil ayaw ni KG na sasabayan ang pagiging down ng kaniyang pakiramdam. “Wife, kahit hindi mo hilingin, I promise you na ganoon ang mangyayari. Magkasama tayong tatanda. At hindi rin tayo mapaghihiwalay katulad ng gusto mo. Palagi lang tayong magkasama. Hmmm? But for now, focus muna tayo sa present. ‘Wag mong hayaan na lamunin ka ng kalungkutan dahil sa mga nangyayari. Okay, cry for now. But, cheer up later. Dahil kailangan nating magpatuloy. Paano tayo makakabuo ng baby niyan kung palagi kang stress?” Kumalas si KG mula sa pagkakayakap kay Tami at matamang pinagmasdan ang asawa. “Let me cheer you up,” anito na hinalikan pa siya sa

