“KG, gusto kong maging fit. So, please, gawin mo na kung may gagawin ka man at pabayaan mo ako rito.” Akmang pipindutin niya ang on button nang iharang ni KG ang kamay roon. “No. You don’t need to be fit. Tigilan mo na ‘yan.” Umawang ang labi niya sa sinabi nito. “KG, wala namang masama sa ginagawa ko.” “Mayroon. Dahil nag-e-exercise ka para maging sexy sa paningin ng iba. ‘Yan ‘yong sinabi mo kahapon.” She rolled her eyes while laughing. “At naniwala ka naman? Napaka-paniwalain mo naman masyado, KG. Ginagawa ko ito para sa sarili ko at hindi para sa iba. Happy now?” Hinawakan niya ang kamay nito at tinanggal sa pagkakaharang sa pindutan ng treadmill. Napabuntong-hininga si KG. “Mag-jo-jogging ka pa sa labas, eh, ganoon din naman halos sa treadmill. Ban ka sa pag-jo-jogging sa labas,”

