Naging crush siya ni Max? Parang hindi naman. Wala siyang natatandaan na nagpapahangin ito sa kaniya noon. Kapag nakakasama niya ito sa parties ni hindi nga siya nito tinitingnan. O baka naman tahimik lang itong humahanga? “Past na ‘yon, ‘wag mo ng ibalik. Asawa ko na ngayon ‘yong crush mo. Move on na,” ani KG na uminom sa tall glass nito. Pigil naman ni Tami ang mapangiti sa sinabing iyon ni KG. Asawa ko na ngayon ang crush mo… “Nagkakabukingan na ng crush dito,” ani Ernes. “Ikaw Teody, baka naging ex-crush mo rin ang asawa ni KG?” “Nah! Tami’s like a little sister to me. ‘Yang si KG ang malakas ang tama diyan kay Tami ever since. Tanda ninyo noong panahon na puro talo tayo sa laro natin ng basketball against sa team nina Reyes?” tukoy pa ni Teody sa team nina Santi. “Wala na sa focu

