ALL my life, without a doubt I give you All my life, now and forever till the Day I die, you and I will share. All the things this changing world can offer So I sing, I’d be happy just to Stay this way, spend each day, with you… IYONG kilabot na gumagapang ngayon kay Tami ay literal niyang nararamdaman nang mga sandaling iyon habang naglalakad sa gitna nang aisle. Habang pumapailanlang ang All My Life na acoustic version na inaawit ng isang sikat na mang-aawit sa bansa na nagpaunlak na kumanta sa kasal nila ni KG. Iyon ang wedding song na napili niya para sa kaniyang wedding march. Lahat ay nakatuon ang tingin kay Tami na marahang naglalakad. Siya naman ay deretso lang ang tingin sa kinaroroonan ni KG na nasa unahan ng aisle. Ang kasal nila ngayon ng kaniyang asawa ay isang