HABANG kumakain sila ni KG ay hindi pa mapigilan ni Tami na ilibot ang tingin sa mga mumunting ilaw na nakasabit sa bubungan ng kinakainan nila. Hindi na siya magtataka kung bakit may katagalan bago nito iyon matapos kanina. But it’s all worth it. At sa dinner nila, hindi mawawala ang paborito niyang beef steak na version ni KG. Kaya pala kanina ay nagpaalam ito sa kaniya na may gagawin lang, iyon pala ay para magluto ng mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan ngayon. Iyong asawa niya na hindi lang puro kaguwapuhan ang tinataglay… more than that. Nang ibaling naman niya ang tingin kay KG ay muling sumilay ang ngiti sa labi niya. “Thank you, hubby. Pinakilig mo na naman ako.” “Totoo ba ‘yan?” Tumango siya. “Sana ‘wag mong pagsawaan ‘yong mga ganitong pag-e-effort sa akin. Hindi ko ta