“Okay. You’re welcome. Sige na. Baka magising ang asawa mo’t hanapin ka.” Muling tinapik ni Teody sa balikat si KG bago nagpaalam. Hinayon na rin nito ang sasakyan nito. “Hey!” agaw pa ni Max sa pansin niya. “Magpa-check up ka. Baka ma-infection ang kamay mo. Ikaw rin, baka mawalan ka ng kakayahang magkaanak kapag napasukan ng bacteria ‘yang sugat mo,” ngumisi pa ito bago isinara ang bintana sa gilid nito. Napatingin siya sa sugat sa kaniyang kamao. Pagkuwan ay napalunok dahil sa sinabi ni Max. Ayaw niyang magpaapekto ngunit hayon at may kaba sa dibdib niya. Paano nga kung ma-infection iyon? Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman bumuka nang malalim ang sugat niya kaya imposible iyon. Huminga muna siya nang malalim bago pumasok na at isinara na ang gate. May pagmamadali nang balikan niya s

