“I’m sorry.” Unti-unting bumagal ang paghalo ni Tami sa niluluto nito. Sinulyapan siya. “You’re forgiven, kagabi pa,” paalala nito sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa hinahalo. “Pinapatawad mo na talaga ako? Sa lahat ng kagaguhan ko sa iyo?” Tumango ito. “Kung hindi kita patatawarin, we can’t move forward, KG. Pagod na rin akong may mabigat sa dibdib ko.” “Kung talagang pinapatawad mo na ako… can you give me a kiss?” Hindi siya pinansin ni Tami kaya akala niya ay baliwala rito ang sinabi niya dahil tuloy lang ito sa paghahalo. Hanggang sa patayin nito ang apoy sa stove at sunod ay baliktarin ang pinipritong manok. At nang matapos ito sa ginagawa ay siya naman ang hinarap. “Duda ka pa rin ba?” anito na lumapit sa kaniya at kinabig ang batok niya nang ipulupot nito roon ang mg

