Napabuntong-hininga siya. Ang sarap mangarap. At maisama sa pangarap ng taong mahal mo. Napangiti siya. Tatanda sila ni KG sa ganoong klase ng lugar. Parang ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng excitement. “Pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto ko na agad na tumanda tayo. Mas gusto ko pa rin na e-enjoy ang bawat araw na lilipas na kasama ka.” Iyong buhok niya, pakiramdam niya ay aabot ang haba niyon hanggang sa Pagbilao City. Wala na namang paglagyan ang kaniyang ngiti. Wagas din talaga ito kung magpakilig sa kaniya. “Siguradong-sigurado ka na ba na ako ang gusto mong makasama sa pagtanda? May chance ka pa para mag-back out,” biro niya sa kaniyang asawa. “Matagal na akong sigurado, wife. So, like it or not, we will grow old together. Hmmm?” anito na kinintalan pa siya ng halik sa

