“Thank you, hubby,” malambing niyang pasasalamat sa asawa bago iniyakap ang mga braso sa may batok nito at isinandig ang kaniyang pisngi sa dibdib nito. “Kung hindi mo ako bubuhatin, pakiramdam ko, baka gumapang na lang ako papasok sa bahay.” Napatawa si KG sa sinabi niya. “I can’t imagine.” “Gusto mo, try ko? Para ma-imagine mo,” sakay pa niya na lalo nitong ikinatawa. “No need. Baka magkagalos ka pa.” Bago sila tuluyang pumasok sa loob ng beach mansion ay nagpababa muna siya sa kaniyang asawa sa harapan niyon at nagpagpag ng buhangin mula sa kaniyang mga paa. Tuyo na naman iyon. Si KG naman ay nakaalalay sa kaniya para hindi siya matumba. Matapos niyon ay muli siya nitong pinangko at ideneretso na sa gamit nilang silid na nasa pangalawang palapag ng malaking bahay na iyon. “I love y

