Tumango ito. “Hmmm. Ipinakita rin niya sa akin. Galing ‘yon sa isang reporter. At balak noon na ilabas sa publiko ang mga larawan natin na magkasama. At kapag nangyari na nailabas ang mga larawan na ‘yon, siguradong lalagyan ng malicious head line. But don’t worry, okay na. Hindi na itinuloy ang paglabas ng mga larawan na ‘yon. At higit sa lahat, hindi ako makakapayag na madawit ‘yong pangalan mo in public.” Tila hinaplos ang puso niya sa pagiging protective nito. Para itong papa niya. Ayaw siyang malalagay sa alanganin. Gusto rin sana niyang itanong dito kung sinabihan din ba ito ng kaniyang ama na layuan na siya dahil bata pa siya? Ngunit hindi niya maisatinig. “Nagkita kami kahapon sa isang meeting na dinaluhan ko,” pagkukuwento pa nito. “Naroon din ang papa mo. Hindi ko napigilan ‘y

