Inayos niya ang pagkakalagay ng sumbrelo sa ulo niya. Habang daan matapos nilang lisanin ang bahay ng mga ito ay muling nagsalita si KG. “Are you upset?” “Upset? Bakit naman ako magiging-upset? What for?” taka niyang tanong. “We’re hiding. Hindi makalabas ng maayos katulad ng mga normal na magkasama. Ni hindi ko magawang ipakita sa mundo kung sino ‘yong kasa-kasama ko.” Bakit mas mukhang upset pa ito kaysa sa kaniya? Wala namang kaso sa kaniya kung hanggang ganoon lang ang puwede. “Hindi naman big deal sa akin, KG. At alam mo rin naman na bawal ako sa ganito. I can’t expose myself to the public. Dahil minor pa,” aniya na nagbaling ng tingin sa may labas ng bintana. Perks of being late na ipinanganak sa mundo. “I know. It’s just that…” hindi na nito itinuloy ang kung ano mang sasabih

