“Kung ibabalik ko sa iyo ang tanong mo?” tanong niya na hindi inaalis ang tingin dito. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito. “Katulad nang sinabi ko sa iyo noon,” anito na muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Kumportable ako na kasama ka. Weird ba? As much as I wanted, ayaw kong guluhin ang isipan mo, Tami. But in the end, I can’t help myself. I still end up being with you. Katulad ngayon. Alam ko naman na bawal, eh. Pero, ewan ba. Siguro nga, masarap lang talagang gawin ang mga bawal. Bawal makipagkita sa iyo, bawal kang makasama, bawal kang…” he sighs. Pagkuwan ay ngumiti at hindi na itinuloy pa ang sasabihin. Bawal na ano, KG? Pero hindi na nito itinuloy pa ang karugtong nang nais sana nitong sabihin. Sinarili na lang nito. Ngunit ganoon pa man ay sapat na ang mga narinig dito p

