Itinakip niya sa bibig ang dalawang kamay para lang mapigilan ang pagkawala ng munting hikbi sa kaniyang bibig. Bago pa manlambot ng tuluyan ang kaniyang mga tuhod ay pumasok na siya sa kaniyang silid at dumiretso sa kaniyang kama. Habang subsob sa unan ay doon niya pinakawalan ang mga hikbi. Hanggang kailan siya masasaktan? Masyado siyang umasa. Iyon ang mali niya. But damn! Bakit kailangang magpakita ng senyales noon ni KG? Hindi naman siya magkakaganito kung hindi siya muling nilapitan ni KG. She’s moving on. Pero ano’ng ginawa nito sa kaniya? Tapos ano’ng mababalitaan niya? Lumalabas ito ngayon at ang ate niya. Gaano kasakit iyon para sa kaniya? Pero hindi pa pala tapos ang sakit na mararamdaman ng batang puso niya. Isang hapon, balak sana niyang ipasyal sa parke si Amara. Napang

