Gulat na napatingin siya sa kaniyang ama. Totoo ba ang narinig niya na pinapayagan siya nitong mag-aral sa ibang-bansa? “Papayagan niyo po ako?” bigla ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata. At nang tumango ito ay hindi na niya napigilan pa ang mapaluha. Agad siyang yumakap sa kaniyang ama. “Salamat po. Promise po, mag-aaral akong mabuti. Aabutin ko ‘yong pangarap ko. Para sa inyo ni mama.” Hinagod nito ang likod niya. “Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na hayaan ka. Pero mukhang kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na darating din ang panahon na aalis ka rin sa poder ko. Pero hindi ko inaasahan na sa ganito kaaga mo gustong bumukod.” “Papa,” reklamo niya habang naluluha. “Mag-aaral lang po ako at hindi bubukod para magpamilya.” “I know,” anito. “Pero lalayo ang

