“Hindi hahayaan ng Diyos na mabaog ako, Tami. I’ll show you, soon, ang proof na hindi ako mababaog,” iyon lang at binitiwan na siya. Pagkuwan ay nauna na itong lumabas ng walk-in closet. Napalunok si Tami. At sa paanong paraan ni KG mapo-prove sa kaniya na hindi ito mababaog katulad ng hiling niya kanina? Gagamit ba ito ng ibang babae para lang patunayan iyon sa kaniya? Bigla ang paghapdi ng kaniyang lalamunan dahil sa naisip na iyon. What if? Nanginginig ang mga kamay na itinuloy na niya ang pagsuot sa hawak na damit. Ayaw niyang maramdaman, ngunit sa hinayon ng kaniyang isipan ay nakakaramdam siya ng pagpiga sa kaniyang puso. “Tami,” aniya sa sarili. “Sa susunod, ‘wag kang marupok kay KG. Pinasabik ka niya, puwes, gantihan mo.” Huminga siya nang malalim. Nang maibalik ang sariling c

