Hindi na siya nangahas na lingunin pa si KG. Kaya naman nagulat siya na nakasunod pala ito sa kaniya hanggang sa labas ng bahay. Nasa garahe na siya nang magsalita ito. Tinawag ang limang personal bodyguards na nasa labas. “Pakisamahan ang asawa ko sa pag-jo-jogging,” wika pa nito sa limang bodyguards. Umawang ang labi niya sa sinabi ni KG. Siguro, kung may iniinom siya nang mga sandaling iyon ay baka naibuga na niya sa mismong mukha ni KG dahil sa term na ginamit nito sa mga bodyguard para i-address siya sa mga ito. Asawa ko… My foot, aniya sa isip. Right, nasa harap nga pala sila ng audience nila kaya dapat lang na magkunware ito. “K—Hubby,” bawi niya sa akmang pagtawag sa pangalan nito sa harap ng mga tao. “No need. I can manage.” “I insist,” anito na seryosong-seryoso ang guwapo

