Chapter 112

2458 Words

NANG makita ni Tami si Mavy, sa may veranda na naraanan niya, huminga pa siya nang malalim bago ipinasya na lapitan ang asawa ni Teody Regala. May ilang taon na rin na kasal ang mga ito ngunit hindi pa rin binibiyayaan ng anak. Kanina lang ay tuwang-tuwa pa ito habang nakikipagkulitan kina Kennedy at Geo, pero heto ito ngayon at tila ba kay layo na ng nararating ng isipan. Kapag nasa bahay sila ng mga ito, o kahit na makasama nila ng kaniyang pamilya sina Mavy ay palagi nitong kinagigiliwan ang mga anak niya. Minsan, nagbibiro pa ito na hihiramin muna ang anak nila. Palibhasa ay sabik din sa pagkakaroon ng anak. Birthday ni Teody kaya naroon sila ngayon sa bahay ng mga ito. Mga kaibigan lang naman ni Teody ang naroon, kasama ang sari-sariling pamilya ng mga nagsi-asawahan na sa circle o

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD