ISANG intimate dinner ang ipinahanda ni KG para sa kanilang buong pamilya, sa isang pribadong suites ng Alager Hotel, nang gabing iyon. Pakiramdam ni Tami ay bumalik siya sa panahon kung kailan una nilang sinabi ni KG ang pagdadalang-tao niya. Ngayon naman, makalipas ang apat na taon, heto sila at muling magbabalita ng good news sa kanilang mga magulang. Ang kaibahan lang ay siya ang unang nakaalam na nagdadalang tao siya. Hindi katulad noong una na si KG pa mismo ang unang nakaalam kaysa sa kaniya. As usual, wala roon ang kaniyang kapatid na si Shantal. Pero pinayagan naman nito na sumama sa sa mga magulang nila ang anak nitong si Azriel. “Ready ka na?” ani KG nang lapitan siya nito. Katatapos lang niyang magbihis para sa dinner nila na iyon. Little black dress ang naibigan niyang isu