Chapter 8 Kung kailan naman handa na si Cheng na kalimutan ang kanyang sikretong pag-ibig para kay Ram ay doon naman ito parang napapalapit sa kanyang sa pinapangarap niyang paraan. Hindi niya alam kung ambisyosa lang siya o hindi. Ngunit hangang ngayon hindi parin niya makalimutan ang mainit na pagyayakapan nilang dalawa kahapon sa music room nito. Kung hindi pa dumating si Toby ay marahil mas tumagal pa ang pagyakap nito sakanya Nagpagulong gulong siya sa kanyang kama dahil hangang ngayon kinikilig parin siya. Sa unang pag kakataon naramdaman niyang kakaiba ang pagyakap nito sakanya. Ngunit hindi parin siya sigurado. Baka guniguni niya lang iyon. Naputol ang pagmuni muni niya ng kumatok sa pinto ng kanyang kwarto ang ate pancy niya. "Cheng di ka ba papasok?" Napa-bangon tuloy siy