Chapter 9 Buong gabi iniyakan ni Cheng ang pagkabigo niya kay Ram. Hindi na siya nakakain ng hapunan kagabi dahil sa kanyang pagmumukmok. Namamaga tuloy ang kanyang mga mata ng pumasok siya sa kanilang campus. Inagahan niya talagang pumasok ngayon dahil ayaw niyang makisabay kay Ram. At baka mas madagdagan lang ang kirot sa kanyang puso kapag hindi siya nito sinabay ngayon. Dahil maaga pa para sa unang subject niya kaya napagdesisyonan niya munang maupo sa library. Napapatingin sakanya ang ibang studyante doon dahil naninibago parin ang mga ito sa kanyang itsura Sikat rin kasi siya sa campus nila dahil kay Ram. Kilala siya ng lahat ng studyante doon bilang tomboy na best friend ni Ram. "Diba siya yung bestfriend ni Ram? Bakit mukhang babae na?" Rinig niya pang bulong-bulungan ng mga