Chapter 16 "Anak mag absent ka muna ngayon dahil birthday mo" Natawa siya sa sinabi ng kanyang nanay ng gisingin siya nito kinabukasan. Pupungas pungas pa siya ngunit natawa na agad siya sa sinabi nito "Si mama talaga oh napaka bad influence" Sabi naman ng ate pancy niya na nasa gilid din ng kanyang kama katabi ang dalawang pamangkin niyang kambal "Oo nga anak mag absent ka muna manlilibre si ate mo" Hirit naman ng papa niya na nakatayo sa likod ng mama niya "Bakit kayo nandito lahat sa kwarto ko?" Natatawang tanong niya at bumangon na siya paupo sa kanyang kama. Lumapit naman agad ang dalawang cute na pamangkin niya at hinalikan ng mga ito ang kanyang magkabilang pisngi "Api bertdey tito" Sabi ng isa niyang pamangkin "Api betdey tita indi na tito mali ta!" Bulol pang sabi ng isang