Chapter 15 Magkahawak kamay lumabas ng campus si Ford at Cheng. Kahit labag sa loob ni Cheng na hawakan ang kamay ni Ford ay wala naman siyang magawa. Ginabi na sila dahil pinagplanuhan pa nila Mika ang kanyang birthday party para bukas. At dahil magpapasko na madaling dumilim ang paligid kahit mag aala-sais palang ng gabi. Nang makarating sila sa kotse ni Ford ay wala na sa tabi ng kotse nito ang motorsiklo ni Ram. Bahagya siyang nalungkot marahil nakauwi na si Ram. "Sakay na cheng" Sabi ni Ford sakanya. Akmang sasakay na siya sa kotse ni Ford ng may mag text sa kanyang cellphone Napalunok siya ng mabasa niya ang text message ni Ram Ram : I'm at the corner. We have dinner tonight with your family Nagpalingon lingon siya at nakita niya ito sa isang madalim na bahagi sa likod ng isa