Chapter 14 Maaga palang ng araw nang linggo ay tinawagan na ni Cheng ang kanyang nobyo upang sabihin dito na magkita sila sa mcdonalds dahil may importante siyang gustong sabihin. Nagtaka man ito ay pumayag na rin sa kanyang gusto. Kasalukuyan na niyang hinihintay ngayon sa mcdonalds si Ford habang kinakabahan rin siya sa kanyang sasabihin Yesterday in Ram's room was the best yet the most unforgetable day in her life. Sa wakas naparamdam niya kay Ram na gustong gusto niya ito. Ngunit alam niyang mali iyon dahil may karelasyon siyang iba. Handa naman siyang aminin ang lahat ng iyon kay Ford ngayon at nais na niyang tuldukan ang kanilang relasyon dahil si Ram lang talaga ang sinisigaw ng kanyang puso Mahal na mahal niya si Ram at ngayong may namagitan na sakanila kahapon ay nais niya s