NAPAKARAMING tao sa Mansion ng mga Agoncillio ng araw na iyon. Makikita mong halos ang mga naroon ay nasa alta sociedad. Marami ang nagpapabonggahan ng mga suot, talking with their companies. Marami ring mga kababaihang nagpaplastikan at nagpapagandahan ng suot, make- up at mga dala- dalang bag. Ang iba naman ay walang pakialam sa karangyaan kundi busy ang mga ito sa pagkunan ng mga pictures ng Mansiyon at sa mga taong dumarating. Naroon din ang iba't- ibang press na naghihintay ng scoop ng kasalan para may maibalita sa media. "Balita ko, maganda at bata ang bride!" wika ng isang asawa ng negosyante. "Really? Siya ba 'yong nabalitang nakilala umano ni Drake sa isang party!" sagot naman ng isa pa. "Nope. Nakilala nga pero parang matagal na silang magnobya kaya hayan ikakasal na sila." T