HAPON na nang matapos ang kasiyahan sa Mansiyon. Nagpaalam na rin sina Missy sa bagong mag- asawa. At binigyan pa nina Jeddah at Hansel si Strawberry ng isang tip para sa kanilang honeymoon ng kanyang asawa. Pinagalitan lang ni Strawberry ang kanyang tatlong kaibigang malalandi at tuso dahil sa kung anu- ano ang kanilang sinasabi kay Strawberry. Pero sa loob- loob ng dalaga ay tinandaan naman niya ang lahat ng iyon. Hindi na nga lang siya nagpahalata sa tatlo dahil nakakasigurado siyang hindi na siya tatantanan ng mga ito. Nakahinga nang maluwag si Strawberry nang tuluyan nang makaalis ang tatlo niyang mga kaibigan. Maya- maya pa'y sunod- sunod na ang nagpaalam sa mag- asawa para makauwi na ang mga ito. Hinahatid na lamang ng mag- asawa ang kanilang mga bisita sa may gate with matching say