NAKATULOG naman sa biyahe si Strawberry kahit papaano. Pinagpawisan pa ng malapot si Spencer nang sumubsob ang kanyang asawa sa kanyang kandungan. Hindi niya alam kung napansin ni Strawberry ang pagtigas at pagtayo ng kanyang alaga dahil sa ginawa nito. Dahil biglang nag- angat ng mukha si Strawberry at natitigan si Spencer saka siya inirapan. Medyo nahirapan pa si Spencer na kalmahin ang kanyang sarili at bahagyang sumakit ang puson nito. Kalmado na rin si Strawberry dahil makatulog na ito. Natatawang napapailing na lang si Spencer. At kanyang napagmasdan ang kanyang inosente, batang- bata at kakaibang asawa. Hindi alam ni Spencer kung ilang oras ang kanilang biniyahe dahil nakatulog na rin ito kagaya ng kanyang asawa. Yugyog ng kanilang crew ang gumising kay Spencer. Agad itong nagmulat