UNTI- UNTING iminulat ni Strawberry ang kanyang mga mata. Ganoon na lamang ang pangigilas niya nang nakangiting mukha ni Spencer ang bumungad sa kanya. At hindi lang iyon nakaunan ang dalaga sa bisig ni Spencer habang nakayakap ang isang braso niya sa katawan ng binata. "Masarap bang gawing unan ang bisig ko?" nakangiting wika ng binata. Agad na bumitaw si Strawberry mula sa pagkakayakap niya sa binata at umusog. Inirapan niya ang binata at napasimangot ito. "Sarap ng tulog mo aking wifey, alam mo tama ka hindi ka nga malikot matulog." Muling sabi ni Spencer. "At sinamantala mo naman! Hindi ako malikot matulog baka kagabi lang!" pairap na sagot ni Strawberry. Napahalakhak si Spencer. "Huwag ka nang mag- deny, nagustuhan mo naman hindi ba?" panunudyo ng binata. "Hindi ah! Ang dumi ta