bc

The Billionaire’s Surrogate Wife

book_age18+
116.6K
FOLLOW
1.2M
READ
sex
contract marriage
love after marriage
fated
pregnant
sweet
lighthearted
kicking
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURED CONTENT (SPG)

BOOK I AND 2

Assi Miller, isang sales lady ng isang malaking department store. Handa niyang gawin ang lahat upang maisalba ang sarili sa kahirapan. Kaya naman nang dumating sa kaniyang buhay ang isang alok ng bilyonaryong si Alejandro Portalejo ay kaagad niya itong tinanggap nang walang pag-aalinlangan. Ito ay ang maging surrogate mother ng anak nito kapalit ng malaking halaga.

Ngunit biglang nagbago ang isip niya nang tuluyang maipanganak ang sanggol. Gusto niya nang ibalik ang pera ng lalaki nang buo. But Alejandro was determine to have his own kid in any way...

chap-preview
Free preview
Billionaire I
“You want a kid?” Tumingin si Alejandro sa kaibigan na si Simon. “Yes, I’m already thirty-two and I think it is the best time to finally have my own kid.” Pinag-ekis niya ang mga binti at prenteng isinandal ang likuran sa back rest ng sofa. He stared at the wine glass he was holding and sipped the last drop of his drink. “But to whom? You have no wife or even a fvcking girlfriend,” Simon said with a matter-of-fact tone, “Look, Alejandro, this is not an insult, why don’t you try to enter a relationship first before having your own kid?” Simon is two years younger than him. Isa itong kilalang abogado at kasalukuyang pinamamahalaan ang sariling law firm. He was successful and there are a lot a bout him that Alejandro makes him true friend for almost fifteen years and counting. “No way,” mariin niyang tugon at marahang umiling, “I just want a kid, that’s all. I have no plan to get married or even give a damn with some women surrounded me. I am busy.” Tila nga yata wala ng makapagpapabago pa ng isip niya patungkol sa pagpasok sa isang relasyon. Dahil minsan na siyang nasaktan ng isang babaeng ang buong akala niya ay habang-buhay niya nang makakasama. Ngunit gumuho ang kaniyang mundo nang bigla na lamang itong lumisan nang walang paalam. He was left in nowhere. It gave him a doubt that last forever in his heart. Ngayon, ang pagkakaroon na lamang ng anak ang kaniyang nais, wala ng iba pa. “I’m serious about it, Simon. I am willing to do everything just to have my own kid.” Tumango si Simon. “I get it now.” “What can you suggest me?” “An adoption?” He shook his head immediately. “I-I want a kid with my own blood. Someone that I can truly say mine. My kid.” “Then surrogation is the key.” Kumunot ang kaniyang noo. “Surrogation?” Batid niya ang tungkol dito sa dami ng iniisip ay hindi na ito sumagi sa kaniyang isip. Diretso siyang naupo. “You’re great, Simon. That’s what I really need!” Napangiti siya at muling nagsalin ng inumin sa basong hawak. “Pero siguraduhin mo namang mamimili ka ng magandang babae na magdadala ng sarili mong anak.” “Of course,” he said and grin at him. Natawa naman si Simon. “Kaya simulan mo nang maghanap and make sure that offer her the amount that you know she couldn’t refuse.” “Of course, Simon.” *** BINABATI ni Assi ang lahat ng customer na pumapasok sa loob ng department store kung saan siya nagtatrabaho. “Good morning, Ma'am, welcome po!” Ngayon ay buwan ng nobyembre kaya naman sunod-sunod ang pagpasok ng mga tao sa tindahan. Kadalasan ay namimili ng mga pang disenyo para sa darating na pasko. Abalang-abala ang lahat ng kaniyang kasamahan dahil sa napakaraming tao kahit na kabubukas pa lamang nila. “Assi, pasuyo naman.” Nilingon niya ang kasamahan na si Hetti. Kasalukuyan itong nasa counter at napakahaba na ng pila. Siya itong paikot-ikot lang at nag-aasikaso sa ilang customer na nagtatanong. Tumango siya at lumapit. “Bakit?” “Wala kasi itong barcode, itakbo mo agad kay Ma'am Jeng,” wika nito at iniabot sa kaniya ang isang item. Natataranta na ito sa haba ng pila at nagkaroon pa aberya sa isang item. “Please, pakibilasan.” Tumango siya at tinaggap iyon. Kaagad niya itong itinakbo sa kanilang supervisor upang agad na hanapin ang barcode ng naturang item. Bumalik siya sa counter ni Hetti at sinabi roon ang barcode na ibinigay sa kaniya at isinulat niya sa palad dahil napakahaba nito. Nagpasalamat naman ito sa kaniya. Bumalik na siya sa pag-aayos ng mga gamit sa estante. Ganito lamang ang kaniyang gawain sa araw-araw. Simula tumungtong ang buwan ng nobyembre ay pagod na pagod siyang umuuwi sa kanilang bahay. Mall hours naman ang store na kaniyang pinapasukan kaya hindi na siya napipilitan pang mag-over time. Regular na siyang empleyado sa naturang department store. Hindi niya na nga nais umalis dito dahil maayos naman ang pakikitungo sa kaniya ng mga kasamahan at maayos din naman ang pasahod. Nga lamang ay hindi kalakihan, ngunit mag-iinarte pa ba siya? Hindi naman siya nakatungtong ng kolehiyo ngunit nakapasok siya sa mall. Ipinagpapasalamat niya sa diyos ang kung ano mang makuha niyang trabaho dahil talagang nangangailangan siya ng malaking pera pantustos sa pag-aaral ng kaniyang kapatid na iniwan ng kanilang ina dahil sumama ito sa iba, pagkamatay na pagkamatay ng kanilang ama. Kaya naman galit na galit siya sa ina at kahit kailan ay hindi ito mapapatawad. Nais niyang pag-aralin at pagtapusin ang kapatid mula sa kaniyang pagsisikap. Hindi niya ito susukuan at hahayaang magaya sa kaniya na hindi nakatapos ng pag-aaral. Namatay ang kaniyang ama dahil sa pag-ataki ng sakit nito sa puso. Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas at nakaburol ang kaniyang ama nang maglayas ang kanilang ina. Ayon sa mga nakakakilala rito ay sumama raw sa bago nitong lalaki. Labis-labis ang pagdurusa niya ng mga panahong iyon. Wala siyang ibak natakbuhan ngunit nagpakatatag siya para sa bunsong kapatid na naiwan sa kaniya. Ngayon ay nasa labing dalawa na ang edad nito at talagang maasahan sa bahay. Lumipat siya sa gawi ng mga furniture at pinagpagan ang ilan sa mga ito. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti nang mapansin niya ang isang lalaki na tumitingin sa ilang mga kagamitan. “Good morning, Sir. What can I help you?” tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya at hindi kaagad nagsalita. Pinasadahan siya nito ng tingin, simula ulo hanggang paa at maya-maya ay ngumiti. “Hello, I'm looking for something I can give to a friend. I think you can help me.” Lumapit ang lalaki at muling inilibot ang mga mata sa loob ng silid. Tumingin ito sa kaniya nang seryoso. Pinilit niyang ngumiti kahit na bahagya siyang nailang sa mga titig nito. “Babae ho ba o lalaki?” “Lalaki,” maiksing tugon nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook